Vice, sasabak sa kampanya

Vice Ganda at George Royeca

Ahh suportado pala ni Vice Ganda sa pagkakaisa para sa mga karapatan at pagkilala sa mga gig at impormal na manggagawa sa Pilipinas kung saan opisyal niyang inendorso ang Angkasangga Partylist.

Ito ay pormal na inanunsyo kung saan nga nakitang magkatabi si Vice Ganda at matagal na niyang kaibigan, ang CEO ng Angkas na si George Royeca.

Ibig sabihin kaya nito ay sasama si Vice sa magaganap na kampanya?

Sa pamamagitan ng pagsali ni Vice Ganda, tiyak na ang grupo ay makakuha ng malakas na boses hindi lamang sa LGBTQ+ community kundi pati na rin sa malawak na spectrum ng gig at impormal na manggagawa sa entertainment industry.

Ang lakas ng impluwensya sa kasalukuyan ni Vice at bilib dito si George.

“I stand with George Royeca  because I believe in their vision and their unwavering commitment to the informal sector and gig workers. Together, we can make a significant impact on the lives of countless Filipinos who strive to make a living through gig work. It’s more than just earning; it’s about receiving the respect, security, and benefits these workers deserve,” pag-amin pa ni Vice Ganda.

Show comments