Jackie Lou, wish magkaroon ng maraming apo

Jackie Lou Blanco

Hinahanap-hanap na ni Jackie Lou Blanco ang paggawa ng pelikula. Animnapung taong gulang na ngayon ang aktres. Para kay Jackie Lou ay mas maraming karakter na ang kanyang pwedeng gampanan. “I’m looking forward to making actually films. ‘Yon ang nami-miss kong gawin. Sometimes when people are only watching you on TV, correct me if I’m wrong. Parang feeling maybe ng ibang producers, ‘Oh, si Ms. Jackie, maybe she doesn’t want to do films because she’s always on TV.’ When you’re younger, you can only play certain role because you’re that age, but at my age wala na akong kakatakutan na roles because I’m that age already,” paliwanag ni Jackie Lou.

Ayon sa aktres ay malaki ang naging impluwensya sa kanya ng inang si Pilita Corales. “Everything that I know, everything I am as an actor, kung paano ako makipag-usap, kung paano ako magdesisyon, kung ano ang gagawin ko, professionalism, how to treat other people. That’s all my mom. Her zest for life, her joy, the importance kung ano ‘yung ibinibigay sa ‘yo na trabaho, paano mo siya aalagaan, that’s all my mom,” giit ng beteranang aktres.

Tatlo ang naging anak nina Jackie Lou at Ricky Davao. Nagkahiwalay ang mag-asawa noong 2011. Nangangarap ang aktres na magkaroon ng mara­ming apo mula sa mga anak. “I’m looking forward to having more grandchildren if my children can give me more grandchildren,” pagtatapos niya.

Lovi, ilang ‘pag tinatawag na Hollywood actress

Nakararamdam ng pagkailang si Lovi Poe sa tuwing matatawag na ‘Hollywood Actress.’ Ilang Hollywood projects na ang nagawa ng aktres katulad ng The Chelsea Cowboy at Bad Man. Napabalita ring nakabilang umano si Lovi sa isang pelikulang gagawin ng Hollywood producer at director na si Garry Brown. “I think I consider myself just an actress in general. It’s like, for me, I’m an actress and ‘yon nahihiya ako. But that’s how I see myself and I could be acting anywhere. I’m always here,” makahulugang pahayag sa amin ni Lovi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Para sa aktres ay mayroong pagkakaiba ang pag-arte sa Hollywood kumpara sa Pilipinas. Nakadepende raw ito sa kung ano ang hinihingi sa scipt o ng direktor. “They call for something that a bit more subtle. Siyempre they’re gonna tell you to tweak if they wanna go higher or lower pero more on subtle conversational. Kasi here, iba naman ‘yung atin na nakasanayan natin dito. But it’s not really Hollywood versus Philippines but it’s more of what the production is asking,” paliwanag niya.

Samantala, mapapanood na sa mga sinehan simula Oct. 16 ang Guilty Pleasure na pinagbibidahan nina Lovi, Jameson Blake at JM de Guzman. “From court room drama to bedroom kilig, of course directed by Connie Macatuno,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

Show comments