Kim, niregaluhan ni Paulo ng milyones na bike?!

Paulo Avelino at Kim Chiu

Ang bongga naman nina Kim Chiu at Paulo Avelino na spotted na magkasamang nagba-bike.

Tuwang-tuwa ang fans nila na makita ang dalawa na nagba-bonding lalo na ang mga umaasang totohanan na nga ang relasyon nila.

Ang ganda at napaka-healthy nga raw ng bonding ng dalawa na mula sa running, sabay ring mag-gym at heto naman magkasama rin sila sa biking.

Ang consistent nga nila at ganito raw ang kailangan ng mga netizen na mga artista para naman daw ma-inspire sila. Magandang paraan nga raw ito na i-promote nila ang healthy living sa fans nila.

Isa nga raw iyon sa hinahangaan ng fans ni Kim lalo na raw noong pandemic na nagpo-post ito ng workout videos niya. Very active raw kasi ito at kitang-kita rin naman sa katawan niya na malakas at fit ito at hindi lang pa-sexy.

Pero isa sa napansin din ng netizens ay ang bisikletang gamit ng aktres na grabe raw ang presyo. May nagsabi na mahigit P1 million daw ito na allegedly bigay ni Paulo.

Ang nagpamahal daw roon ay dahil customized ito na cute na cute sa pink at may parts nito na pinalitan ng pink.

Pinagtalunan din ng fans na kung si Paulo nga ba talaga ang nagbigay nito dahil galante raw talaga ang aktor magregalo pero grabe naman daw talaga ang presyo noon. May sumagot na sa sasakyan lang daw nito nilagay ang bike pero hindi ibig sabihin noon na siya ang nagbayad.

Almira Teng, swak sa hosting!

Very gracious ang Teng family na basketball players ang mga anak na lalaki dahil dati ring player ang father nilang si Alvin.

Ang bait ng mother nila na si Susan at ang ganda ng nag-iisang babae sa mga anak nila na si Almira Teng.

Suwerte ni Willie Revillame dahil isa ito sa hosts ng Will to Win. Maganda at very sweet si Almira kaya dapat mabigyan din ng iba pang hosting job dahil sayang ang talent nito.

Hindi mahihirapan si Jun Lalin dahil mada­ling ibenta ang isang talent na tulad ni Almira Teng. Very articulate, very professional, and with the look na very good on TV.

Bongga.

Show comments