Anak ni Manny at Jinkee, kakandidato na rin!

Princess at Jinkee Pacquiao

Ang simple lang ng 18th birthday celebration ng daughter nina Manny and Jinkee Pacquiao na si Princess sa London.

Sa ini-upload ni Jinkee ay nasa isang resto lang sila habang nag-blow ng candle si Princess. Kasama nila ang trusted friend nila Jinkee na si Bernard Cloma.

“Happy 18th Birthday @mpacquiaoo. We love you so much!?” caption ng misis ng Pambansang Kamao na inihatid ang anak sa London dahil doon na ito mag-aaral ng kolehiyo.

Pero today raw ang balik ng Pilipinas nina Manny at Jinkee dahil sasamahan pa nila ang anak na si ­Michael na mag-file ng COC (certificate of candidacy) dahil kakandidato itong councilor sa General Santos.

Sa Amerika na nakatira ang eldest ng mag-asawa na si Jimuel ­(Emmanuel Pacquiao Jr.)

Nakatakda na rin daw mag-file ng COC ang Pambansang Kamao na nagpa-planong bumalik sa senado.

 

Show comments