^

PSN Showbiz

Michael at Cassy, ibang level na raw ang relasyon

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Michael at Cassy, ibang level na raw ang relasyon
Cassy Legaspi at Michael Sagger

Ito na ba ang alternative career ng mga artistang wala na masyadong raket sa showbiz?

Totoo bang si Michael Sagger at Cassy Legaspi na? Kaya pala super confident si Carmina Villaroel na friends lang at hindi talo sina Darren at Cassey, kasi malakas na ang radar ng nanay ngayon. Magkaibigan lang talaga sila.

Pero iba raw itong si Michael at Cassy. Talaga ba? It’s the real thing daw! Owwwwwws.

Jervi, iba na ang image

Niligwak na ni KaladKaren ang kanyang taguri o alias.

At ngayon ay lumalabas na sa kanyang nightly primetime newscast as a married woman at idi­nisplay ang kanyang bagong new chin-length hairdo at ang kanyang bagong married name na Jervi Wrightson.

Nakawala na si Jervi sa anino ng Karen Davila na katapat pa niya ang newscast. Ngayon, mas maganda ba ang pasok ng blessings at feng shui sa buhay ni Jervi gamit ang kanyang tunay na pangalan? Sana!

Ayan na, naglabasan na ang mga artistang tatakbo sa iba’t ibang elective office next year. May Arjo Atayde, Alfred Vargas, Enzo Pineda, Ion Perez, Monsour del Rosario, Marco Gumabao, Yul Servo, JC Parker, DJ Durano at marami pang iba.

Actress naligwak, nagalit

Isang showbiz writer na siyang nag-ayos ng pelikula ng isang award winning actress galit sa writer ng project dahil naligwak na siya sa nasabing proyekto?

Kilalang napakabait na tao itong prem­yadong writer na ito at hindi siya ang tipo na makikialam sa hindi niya teritoryo, kaya bakit kaya siya ang pinagdidiskitahan ng showbiz writer? Ano kaya ang masasabi ng award winning actress dito? Gagawa kaya siya ng hakbang para mapaglapit ang mga taong sangkot dito na ‘wag na lang mag-away lalo pa sa harap ng publiko? Sana’y may milagrong mangyari rito!

Nakakataquote:

“Papa will always be in full support of you dearest Emman. The internet is a very harsh place. May you continue to be genuine, witty and funny and remain kind amidst all the hate. Papa will always love you.”

- Kuya Kim Atienza sa pinagdaanan ng anak na si Emman sa social media. Naging usap-usapan kamakailan sa social media si Emman Atienza, ang bunsong anak ng Kapuso personality nang i-post nito ang video niya kasama ang kanyang mga kaibigan na gumagawa ng ‘Guess The Bill’ challenge sa TikTok na umabot a P133,000 ang bill sa isang restaurant.

Sa sumunod na video, nilinaw ni Emman na biro lang daw ang ginawa nilang video, at wala ni isa sa kanila ang nagbayad para sa nasabing dinner.

vuukle comment

CASSY LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with