^

PSN Showbiz

Anak ni Ogie, engaged na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Ogie, engaged na!
Mito Fabia at Leila Alcasid

Ang bongga naman ng daughter nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid na engaged na sa boyfriend niyang musician na si Mito Fabia, aka Curtismith.

Ipinost ng long-time couple ang announcement ng kanilang engagement sa pamamagitan ng photo nila habang suot na ni Leila ang singsing.

Naganap ang nasabing proposal sa Calaca, Batangas. “The most special anniversary gift,” caption ni Leila.

Proud dad naman si Ogie para sa anak na nagkomento ng “The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you (heart emojis) congratulations.”

Maaalalang hindi nagustuhan ng mister ni Regine Velasquez ang ginawang pakikipag-live in ng kanyang anak sa boyfriend nito. Sana raw ay kinausap muna siya nito pero wala na raw siyang magagawa dahil nandyan na.

Kaya sabi niya sa anak “So you want to be an adult? Then, face life like an adult.”

Proud naman siya sa anak dahil hindi ito humingi ng tulong o pera sa kanya.

Kaya ngayon siguradong mas proud siya dahil sa altar na nga ang tuloy ng dalawa.

Dingdong, walang katapat na female host!

Talagang na-addict na ako sa TV. Buong araw bukas ang TV ko at talagang tutok na ako sa local shows natin.

Ngayon ko nga lalong hinangaan si Dingdong Dantes na ang husay talagang mag-host. Ang galing niyang mag-adlib at mag-one liner. At para sa akin, wala talagang female host na puwedeng pumantay kay Dingdong.

Isa pang napansin ko ‘yung mga serye na parang mababaw ‘yung istorya ng ilan, parang magiging feeling mo napanood mo na ito at inulit lang. Hindi tulad ng mga old serye na mas malalim ang story.

Saka hindi ako masyado nai-impress sa ibang young stars na napanood ko. Parang may kulang talaga. Pero given training at hasain pang mabuti, baka naman maging mahusay rin later.

Let us support our TV shows. Keep watching para lalo pang lumakas ang TV.

Huwag tayong patalo sa ibang platform dahil sayang naman kung mawawala ang free TV. Bongga.

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with