^

PSN Showbiz

Aktor, umaasa na lang sa acting coach

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Napapansin ng production staff ng isang serye na tila nagiging dependent na raw ang isang sikat na aktor sa kanyang acting coach na laging nasa set ng taping ng series niya.

Magaling namang umarte ang aktor. Pero kapag eksena na niya sa taping, ipinapatawag niya ang coach at gagawin ang iaarte niya sa series.

Feeling tuloy ng staff, may tamad factor na ang aktor sa ginagawang series. Hindi lang kasi sa kanya nakasentro ang kuwento kundi pati sa mga kasama.KATHDEN, MAHIGPIT ANG LABAN SA TAKILYA

Kahit mahal ang presyo ng tickets para sa advance selling ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again, sold-out na raw ang unang batch ng tickets na inilabas.

Sa November pa ang showing ng movie at kung pagbabasehan ang bentahan ng tickets aba, alam niyo na!

Pero wait muna natin ang resulta sa box office ng 2024 Metro Manila Film Festival dahil malalaki rin ang pelikulang kalahok, huh!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with