Anak nila Ka-Tunying, walang trace na nagka-cancer

Helga, Zoey, Rossel at Ka Tonying
STAR/ Fil

Agad-agad na itinurn ni Ms. Rossel Taberna ang P3.5 million kahapon matapos ang matagumpay na benefit concert – organized by Rossel Taberna’s Outbox Media, last Thursday night, sa Metrotent, Pasig, Thrive concert (A Symphony of Thriving Stories).

Ito ay para sa mga kabataang may sakit na cancer sa Cancer and Hematology Center of the Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Benefit concert lang na parang major concert na dahil kina Ogie Alcasid, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose and Darren Espanto. “Maraming salamat po ulit! Na-turnover po kami ng cash donation kaninang umaga sa PCMC cancer center po. My daughter (Zoey) got emotional po seeing the kids but she’s very happy to celebrate this way po,” sabi ng misis ng broadcast journalist / radio commentator na si Anthony Taberna kahapon.

Na ayon kay Ms. Rossel ay super discounted ang talent fee nina Ogie, Lani, Julie Anne and Darren. “Yes, they really gave us a huge discount and great deal talaga and hindi sila mahirap kausap because they know that this is really for a cause. So, sobrang grateful talaga kami sa lahat ng mga artist na nagsuporta sa amin.”

Three-in-one celebration ang Thrive concert (A Symphony of Thriving Stories) – a plated-dinner benefit concert – 18th anniversary ng Outbox Media and 16th birthday ng cancer survivor na si Zoey.

“Yes, it’s our 18th anniversary.

“Actually, it’s Zoey’s 16th birthday also. Yes, sweet sixteen. So she knows na wala siyang any party actually, nag-Jollibee lang kami kasi naka-mindset talaga siya na... she really wants to spend her 16th birthday na kami lang,” sabi ni Ms. Rossel na nag-celebrate ng 16th birthday last Sept. 25. “Alam niya na ito na talaga ‘yung special celebration. She’s very happy about it.

“By the way, ‘yung speech nilang dalawa ng daughter (Helga and Zoey), she wrote that one. Sila ‘yung nagsulat talaga nun. Siya ‘yung hero ng family namin because she’s the donor of the stem cell, and that’s a hundred percent match, and it only happens 5% sa buong mundo lang ang may hundred percent match.”

Si Helga ang nag-donate sa bone marrow transplant ni Zoey na nagkaroon ng leukemia na kanilang nadiskubre five years ago. “It’s really a hard process so pagdating namin dun (sa Singapore) lahat kami they had to get a lot of blood samples kung sino ‘yung magma-match and si Helga hindi siya nag-hesitate. Ayun medyo advanced lang talaga sa Singapore so we didn’t went through with the manual process, mas high tech pero still nag-struggle pa rin si Helga,” pag-aalala pa rin ni Ms. Rossel sa anak na donor sa kapatid.

At kahit mahal daw ang naging proseso sa Singapore ay nakayanan nila dahil sa tulong ng maraming tao.

Nakakabilib nga ang naging lakas ng loob ng eldest daughter ng mag-asawang Anthony and Rossel.

Nagpakalbo si Zoey nung nalalagas ang buhok niya dahil sa chemotherapy pero ngayon ay cancer-free na si Zoey  – since 2022.

Five and a half months din silang nanatili sa Singapore bago gumaling ang anak.

Maaalalang nai-share ng mag-asawa sa social media ang hirap na dinaanan nila na umabot pa sa puntong nag-agaw-buhay si Zoey sa Singapore.

Ngayon daw ay once a year na lang ang checkup ni Zoey.

Kaya naman nakakaiyak ang song number ng magkapatid sa naganap na benefit concert na ‘yun.

Inabot ng halos 11 p.m. ang Thrive concert (A Symphony of Thriving Stories).

At ang next plan ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna, ang pagbubukas ng sariling events place sa Tagaytay.

“For Outbox, actually, debut namin and we’re really happy because Outbox is really stable already. We’ve diversified a lot of things. We’re now on digital, we’re producing our own shows also and next for our business, we’re actually going to build our own events place in Tagaytay. Yeah, corporate events with the Outbox and we’re really excited for that one.”

Show comments