May dalawa akong paboritong Pinoy Horror Films na kasama sa cast, ang magaling na aktres na si Lotlot De Leon. Ang mga ito ay ang Halimaw sa Banga (oo pasok sa banga ito!) at ang Feng Shui 1 (‘yung eksena nya sa mga bote ng Red Horse beer!) Kaya naman na-excite ako nang malamang sya ang guest sa Youtube show naming Marites University. (so kami na ang Lotlot and Friends! Diba Rose, Jun at Ambet?!)
May ilang dekada na rin si Lotlot na showbiz at dahil sa mga mahuhusay nyang pagganap at maayos na pakikisama, hindi sya nakakalimutan ng industriya. (ako ba nare-remember pa?!)
“I am grateful na hanggang ngayon nabibigyan ako ng trabaho. Sa lahat ng kumukuha sa’kin, sa lahat ng nakakatrabaho ko, sa lahat ng direktor na pumipili sa’kin, maraming maraming salamat talaga. In return for the trust, I really try my best na galingan ‘yung trabaho ko. ‘Yun lang naman talaga ‘yung maisusukli ko at ‘yung pakikisama sa lahat ng tao. Pantay-pantay tayo. Walang diva,” Paglalahad ni Lotlot (ay tampalin ang mga pa-diva!)
Isa sa mga huli nyang ginawa ang series na Lavender Fields. “May dalawang malaking series akong gagawin na kaabang abang din. I’m very excited na malaman na nila. Pero ‘di ko pa pwede sabihin sa ngayon.” (baka pwede ako sumabit dyan, ate!)
Sa rami nang nagawa niyang proyekto, may mga ilang roles pa rin syang inaasam na gawin. “Marami pa ako gustong gawin. Meron pa ako mga di nagagawa. I haven’t played a prosti. Mga ganyan. Mga roles na may odd jobs.” (ay keri ko i-acting ‘yang prosti prosti!)
Minsan din naging kontrobersyal si Lotlot lalo na ang kanyang naging relasyon noon kay Ramon “Monching” Christopher. “Monching and I are friends. Kahapon nga lang nagtanong ako sa kanya, huy, may kilala ka bang karpintero. Wala kaming problema. Ok din sila ng husband ko, they greet each other ‘pag birthday ganyan. Pero noon, ‘di ko na-imagine na pupunta kami sa gani-tong punto na ok kami at we can communicate na maayos. Thank God, naayos at nagkaroon ng peace within the family.” (bigla ko tuloy naalala ‘yung poging carpenter sa neighborhood namin!)
Masaya si Lotlot sa mga piniling karera ng kanyang mga anak, lalo na si Janine na sineryoso ang pagiging artista. (bakit ako parang ‘di sineseryoso?!)
“I am very proud of all of my children. Si Janine bilang nasa showbiz din, I am proud of her kasi sinet nya talaga ‘yung sarili nya na patunayan ang sarili nya na karapatdapat siya sa industrya. Kasi dito sa atin, sinasabi, kaya lang nakapasok ‘yan dahil anak ng artista.
Naging motivation nya ‘yun para mas lalong galingan at patunayang marunong sya.” Pagbibida ni Lotlot (pwede ko bang maging sister si Janine?!)
Hindi rin maiwasan na pati sya ay tinatanong tungkol sa lovelife ni Janine na na-involve noon kay Paulo Avelino at ngayon naman ay kay Jericho Rosales na tahasang inaming may pagtingin kay Janine. (ganda talaga ng ate ko!)
“Basta sa’kin ang importante, unang una, kagaya nyan, ipinagmamalaki ang mga anak ko. Ang sarap nung huy, girlfriend ko, o dini-date ko o ‘yung I really want to be with her. Masarap na marinig ‘yun from someone who is admiring your child,” pagpapaliwanag ni Lotlot. (ay sana sabihin din ni Echo, na like nya ako!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com