^

PSN Showbiz

Gwapong aktor at substitute director ng isang serye, muntik magsuntukan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Muntik na palang nagkasuntukan si direk at si guwapong aktor sa taping ng isang drama series na ginagawa nila.

Nagkainitan daw ang dalawa nang mag-comment si direk sa adlib ni aktor sa isang eksena.

Alam ng co-stars ni aktor na mahilig daw itong mag-adlib sa mga eksena, pero nasusunod naman daw ang script.

Si direk ay hindi talaga ang direktor ng seryeng ‘yun. Parang sinalo lang daw niya ang talagang direktor nitong drama series na tinampukan ni guwapong aktor.

Kaya parang nagulat lang daw si direk nang mag-adlib bigla si aktor sa isang eksenang kinunan nila.

Nag-comment daw itong si direk ng tipong, ‘siya na kaya ang magdirek dito!’ Parang ganun daw ang linyahan ni direk na nakarating pala kay aktor.

Nagalit daw si aktor at sinugod daw si direk sa OB van.

Hindi ko lang sure kung ano eksaktong sinabi ni aktor kay direk, pero parang hinamon daw nito si direk na lumabas ng OB van.

Lumabas naman daw si direk at hinarap naman daw nito si guwapong aktor.

Parang nagkahamunan daw ng “ano?!” “ano?!” na tipong nagkagirian na ang dalawa.

Mabuti at naawat naman daw silang dalawa, at binakuran na raw sila ng mga staff.

Nang sumunod na taping, hindi na raw bumalik itong si direk. Pina-handle na lang daw sa iba dahil wala pa rin ‘yung original director ng seryeng ito.

Mga baguhang singer ng GMA, susubukan

Mga magaling at promising na young artists ang inilunsad kamakailan lang ng GMA Playlist.

Ang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon ang nag-launch ng second single niyang pinamagatang Window na nasa Spotify na ngayon.

Kasabay niyang ini-launch din ay ang produkto rin ng StarStruck na si Crystal Paras, sa bagong single niyang You, Me and Us, at ang finalist sa The Clash na si Liana Castillo na may bagong single ring Umaambisyon.

Sabi ni Crystal, noon pa man ay kumakanta na raw siya sa ibang bars sa Quezon City, dahil pamilya talaga sila ng singers.

Si Liana naman ay aminadong na-depress siya nang hindi siya ang nanalo sa huling The Clash, dahil may sakit daw siya nu’n.

Pero hindi siya nawalan ng pag-asa, tuloy pa rin siya sa pagbabakasali, at nabigyan siya ngayon ng break ng GMA 7.

Ang single na Umaambisyon ang pino-promote ni Liana, at sabi nga niya, tuloy lang daw siya sa pag-ambisyon, hindi siya nawawalan ng pag-asa.

“Go lang po, umambisyon lang po. You’ll never know, time will tell po,” nakangiting pakli ni Liana.

Si Kim naman ay talagang mataas ang expectation sa kanya bilang big winner sa huling StarStruck.

Nabigyan siya ng magandang role sa Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla, pero wala pa talagang project na kanyang-kanya.

“Kasi nag-start na po ‘yung pandemic e. Kaya hindi rin namin masyado ramdam ‘yung aftermath ng competition kasi nga sadly meron tayong 1 year o 2 years na tengga talaga.”

Mabuti at nabigyan siya ng magandang break, at ito ngayon sinusubukan na naman ang pagiging singer niya.

Maganda rin ang style ni Kim na mala-James Reid ang dating nang pagkanta niya.

Sa press launch nito kamakailan lang, isiningit na namin ang tanong kay Kim tungkol sa young actress na buntis na pala at malapit na raw itong manganak.

Kasabayan kasi ito ni Kim at nakatrabaho niya at ka-close rin niya.

Medyo naalangan lang siyang pag-usapan ito.

“Pero kung totoo man, sana maging masaya na lang tayo. Maging positive na lang. Blessing pa rin ‘yun. ‘Yun nga lang nakaapekto sa work niya. Sana, hindi masyado makaapekto sa kanya. Sana. I mean, after nu’n kung sakali,” saad ni Kim de Leon.

Kaya lang parang hindi raw siya makapaniwalang masyado pang bata para magka-baby itong si young actress.

vuukle comment

GMA

KIM DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with