^

PSN Showbiz

Chloe pinaglaruan sa telechubby looks!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Chloe pinaglaruan sa telechubby looks!
Chloe San Jose

Grabe ang reaksyon ng madlang pipol sa guesting ni Chloe San Jose sa ASAP na hindi naman nakatulong mapataas ang overall rating nito na 2.4 versus 3.8 ng All Out Sundays (AOS). May nagpost nga na “The telechubby looks like Maharlika x Madam Auring lols” - Grabe naman ang lupit ng mga viewers. Ang peperfect!

May nag comment pa nga na: ‘Naka-get over na ba ang lahat? Mamaya n’yan si Mother (Angelica Yulo) na ang mag-guest sa ASAP. Abang-abang nalang kayo! ‘

Ibang klase na ang entertainment ‘no? Hindi na pagandahan, pa-kontrobersyalan na talaga…

Giyera... nakasabay ng baha

Giyera na ang tagline ng promo campaign ng GMA Primetime sa back-to-back na Pulang Araw, Widow’s War at Asawa Ng Asawa ko. Mukhang challenged talaga ang mga producer na mag-rate ang mga programa versus ABS-CBN’s Batang Quiapo, Lavender Fields & Pamilya Sagrado.

Sa tingin n’yo, sa panahon ng bagyo at baha, naengganyo ang mga manonood kapag may trigger na Giyera Na?!  Pagandahan na lang talaga ng papanoorin ng mga Pilipino. Hintayin natin ang ratings maya-maya!

Bini concert, sold out sa loob ng dalawang oras

Grabe! Phenomenal talaga ang BINI! Sila na yata ang pinaka-hot na local artist ngayon, naubos lahat ng tickets for Big Dome concert in 2 hours. At three consecutive days na ‘yan ha! Panahon talaga ng BINI ngayon!

Now ang tanong, kayanin ba yang pantayan ng concerts nina Martin Nievera sa September at Gary Valenciano sa December? Wait and see tayo ryan!

Sarah, nagpapahintay sa ASAP?!

Nakakamiss din si Sarah Geronimo sa TV. Recently napanood siya na nagso-show sa General Santos City kasama ang asawang si Matteo Guidicelli na sumasayaw ng viral na Maybe This Time habang kumakanta si Sarah G.

Wala ba siya talagang planong mag-ASAP ulit? Although totoo ba ang balita na medyo mahaba ang oras na nagugugol sa kanya sa pagtetape ng segments niya sa ASAP at super hintay ang ibang artists sa kanya para matapos?

At sa pelikula, wala ba siyang na-approve na concept para sa isang bagong movie?

Well, Sarah G is always worth the wait. Abangan na lang natin!

Nakakataquote:

“Shoutout to women who smile at and compliment other women.”

- Sunshine Cruz on walking alongside Ina Raymundo in the Bench Fashion Week Holiday 2024.

vuukle comment

ASAP

CHLOE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with