^

PSN Showbiz

Kyline, sa ny magbi-birthday

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyline, sa ny magbi-birthday
Kyline Alcantara.
STAR/ File

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kumalat na video social media nina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Makikitang nakakandong ang aktres sa binata sa kontrobersyal na video. “Actually, wala naman po akong dapat i-explain. Alam nila na ‘yung nangyari na ‘yon is super short lang. Na-videohan at nag-aasaran lang po talaga kami,” paglilinaw ni Kyline sa 24 Oras.

Mayroong mga nagsasabing nagkakamabutihan na umano sina Kyline at Kobe. Hindi raw nababahala ang Kapuso actress sa lumabas na video dahil mas kilala siya ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Samantala, bukas ay ipagdiriwang ni Kyline ang kanyang ika-dalawampu’t dalawang taong kaarawan. Lumipad patungong New York ang dalaga para sa selebrasyon na kasama ang ina. “‘Yon naman po ang sinasabi ni mama. ‘Ayaw ko mag-birthday ka na wala ako doon.’ Gusto ko rin po makipag-bonding kay mama doon. Para na rin siyang mother-daughter vacation na rin,” kwento ng Kapuso actress.

Niña, mabilis nakakonek kay Migs

Kamakailan ay nagsimula na ang programang Nagseserbisyo, Niña Corpuz sa DPWM 630 Teleradyo. Si Migs Bustos ang co-host ni Niña sa naturang public service program. Ayon sa kay Niña ay talagang masarap na katrabaho ang Kapamilya sportscaster. “Migs is so much fun. He also has the heart of a journalist. Pareho rin ‘yung path that we’re taking so we relate to each other. We do reporting, we do tell stories, we are very passionate in the same things. Minsan kapag nag-a-ask ako ng questions sa aming resource person for example, sabay kami ng tinatanong,” pahayag ni Niña.

Mahigit sampung taon ang agwat sa edad nina Niña at Migs. Kahit nga­yon lamang nagkasama sa isang programa ay talagang nagkasundo agad umano ang dalawa. “We connected right away. He’s such an easy guy to be with. We can easily connect to each other, support each other even I’m older than him. It’s a good partnership,” dagdag pa ng news anchor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KOBE

KYLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with