^

PSN Showbiz

Magtatambal sa Nobody Gerald, susubok kay Jessy!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Magtatambal sa Nobody Gerald, susubok kay Jessy!
Jessy Mendiola
STAR/ File

Habang si Julia Barretto ay may matagumpay na pelikulang Un/Happy For You, si Gerald Anderson ay bibida naman sa upcoming Kapamilya project na Nobody.

Naku, sino naman ang makakasama ni Gerald sa project na ito? Walang iba kundi sa Jessy Mendiola. May chemistry ba sina Gerald at Jessy? Tingnan natin.

Pokwang, naghahanap ng new jowa!

“Of course gusto rin namang mag-iba ang ikot ng buhay,” ‘yan ang sabi ni Pokwang nang mag-guest sa espesyal na edition ng EXpecially For You sa It’s Showtime noong weekend kasama ng anak niyang si Mae.

So, pagkatapos ni Lee O’Brian na na-deport na, open ba si Pokie na ma-in love ulit? Oo naman, habang may buhay may pag-asa, ‘di ba?

Sharon at Gabby, nagkaroon ng adjustment

So tuloy na ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion US Tour? Pagkatapos ng lahat ng nabitiwang mga salita kung bakit ito nabalam, ang tanong ay, sino ang nagbigay?

Sino ang nag-adjust sa talent fee? At least tuloy na. Ok na rin kaya ito sa pamilya ng dalawa?  Oh well, good luck sa tour!

Sam, patok sa teatro

Mukhang maglalagare si Sam Concepcion sa dalawang theater productions bago matapos ang taon – siya ang gaganap na Daniel sa Once On This Island at babalik siya sa pagiging Popoy sa One More Chance sa PETA.

Tanggap si Sam bilang magaling na aktor sa teatro, bakit kaya hindi siya maka-penetrate successfully sa mainstream showbiz?  Sana may chance pa rin!

Nakakata-quote:

Sheryl, problemado sa mga manliligaw!

Apat raw ang manliligaw ngayon ni Sheryl Cruz. At heto ang sabi niya, “Actually, this is my problem. The people who actually like me right now are younger than me.”

Problema ba ‘yun, Sheryl?

vuukle comment

GERALD

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with