^

PSN Showbiz

Showbiz couple, naghiwalay dahil sa pamilya ng actor

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Totoo kaya ang nakarating na kuwento sa aming hiwalay na raw itong showbiz couple na ilang taon na rin ang relasyon?

Magaling si aktres. Hindi na gaanong active sa showbiz si aktor dahil naka-focus na siya sa ibang propesyon.

Masaya sila sa mga ipino-post nila sa kanilang social media account. Pero lately ay hindi na gaanong nakikita.

Ang latest na narinig namin, mahigit isang linggo na raw silang hiwalay.

Ang dahilan ayon sa nakalap naming kuwento, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin daw boto ang pamilya ni aktor kay aktres.

Super yaman at influential naman kasi si aktor at siguro hindi nila type na artista ang makakatuluyan nito kahit may koneksyon naman sila sa showbiz. Iba pa rin ang gusto nila para kay aktor.

Hindi lang namin sure ‘yan, dahil ‘yun lang ang naikukuwento sa amin.

Kahit wala na silang naipo-post sa kanilang social media account, hindi naman tinatanggal ang pictures nilang magkasama, at nagpa-follow pa rin sa isa’t-isa.

Kaya hindi nahahalatang may problema sila sa kanilang relasyon.

Tingnan na lang natin, dahil lalabas at lalabas din naman ang totoong kuwento.

Ysabel, emosyonal sa natanggap na award

Parang bumalik sa alaala namin ang awards night nung unang panahon. ‘Yan ang naramdaman namin sa nakaraang 40th Star Awards for Movies ng PMPC na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila, noong Linggo.

Nandun ang Noranians, na ang iba ay naka-wheelchair pa, pati Vilmanians kahit aware silang hindi makakarating ang Star For All Seasons.

Ang dami ring tumitili sa paglabas nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at pati si Aiko Melendez na isa sa hosts.

Kaya nahirapan sa paghahanap ng mauupuan ang mga artista dahil inokupa na ito ng fans. Pero hindi naman fans ang iba, kundi mga kasamahan ng mga sponsor na hindi mo naman puwedeng paalisin, pero ang gugulo rin na nakipagpiktyuran sa mga artista.

Taped as live ang naturang parangal dahil ipalalabas ito sa A2Z sa July 27. Kaya kapag may mali, pinapa-take pa ulit ni Eric Quizon na director nito.

Si Ysabel Ortega ang tinanghal na New Movie Actress of the Year.

Kahit na-announce na siya ang nagwagi, kabado pa rin siya nang magbigay na ito ng kanyang acceptance speech.

Aniya, “Gusto ko lang po i-share, very sentimental po ‘tong occasion na ito. Dito po ako nag-graduate ng High school. And hindi ko po natapos ‘yung graduation ko nu’n kasi may taping ako.

“I remember that was during my very first year of being an actress. Now, 9 years later, ngayon tinatanggap ko naman ang very first award ko from my very first film.”

Nasisingit ni Ysabel ang parang kinikilig na tawa habang nag-speech kaya natawa na rin ang nasa au­dience. Sobra raw siyang kinakabahan.

Si Sen. Bong Revilla naman ang tinanghal na Darling of the Press. Sa totoo lang, halos taun-taon ay nano-nominate siya sa kategoryang ‘yan, at ngayon lang siya napili.

Bahagi ng kanyang acceptance speech, pinasalamatan niya ang namayapang dean of Philippine entertainment press na si Ethel Ramos, at ang first recipient nitong Ethel Ramos Dean’s Lister Award na si Kuya Ronald Constantino.

Mahalaga para kay Sen. Bong itong parangal dahil noon pa man ay malapit na raw talaga sa kanya at sa kanyang pamilya ang movie press.

Binanggit na rin niya sa aming sisimulan na niya ang season 3 ng action-sitcom niya sa GMA 7 na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis, kahit medyo paika-ika pa siya.

Tatlong buwan pa pala ang recovery ng paa niya na inoperahan ang Achilles tendon.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with