^

PSN Showbiz

Vic at Pauleen, solid na solid

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vic at Pauleen, solid na solid
Vic Sotto. Pauleen Luna at mga anak
STAR/ File

Alam mo ba na isa sa alaga ko na tuwang-tuwa ako sa naging napakaganda ng married life ay si Pauleen Luna Sotto.

Siyempre noong una marami ang nagkaroon ng mga maling haka-haka sa kalalabasan ng pagsasama nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Pero ngayon solid na solid ang magandang buhay ng dalawa, talagang mapapahanga ka. Matutuwa ka na makita kung paano nila binuo ang masaya nilang pamilya.

Lumalaking matalino at bibo si Talitha, at ang cute naman ni Mochi.

Kaya naman kahit gustuhin pa siguro ni Pauleen na ituloy ang kanyang hosting career hindi niya magawa kung minsan dahil nga sa busy wifey job niya.

Talagang parehong suwerte sa isa’t isa sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Complimenting ang suwerte ng isa sa partner niya, kaya naman nakakatuwa ang resulta, isang pagsasamang tahimik at masaya.

Iyan ngayon ang pamilya Sotto nina Vic at Pauleen. Ang dasal na lang ni mommy Chat ni Pauleen maging forever ang happiness na ito.

At sa nakikita naman namin, mukhang pang-forever na nga.

Kaya bongga, ‘di ba, love will always prevail. ‘Pag malalim ang pagmamahal mo imposible iyon magiba ng ibang tao. Bongga ‘di ba .

vuukle comment

PAULEEN LUNA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with