^

PSN Showbiz

Jennylyn at Dennis, may naka-preserve na baby boy!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn at Dennis, may naka-preserve na baby boy!
Dennis at Jennylyn
STAR/ File

May naka-preserve na baby boy sa Amerika ang mag-asawang Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

Ito ang inamin ng actress kahapon nang ipakilala siya bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm.

Marami ngang nagulat nang aminin nina Dennis Trillo and Jennylyn na tatlong buwang buntis noon na sinubukan nila ang surrogacy.

Sa kanilang interview na kasabay sa pagkumpirma nila ng pagbubuntis ng actress at kanilang engagement, sinabi nilang bumiyahe pa sila ng Amerika para mag-harvest ng egg – nagkaroon ng fertility treatments at nakipag-usap pa sa puwedeng magdala ng kanilang magiging anak.

“Naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang ‘yung excellent egg so parang tapon din ‘yung apat – isa lang talaga. Isa lang ‘yung nabuo ko,” banggit ni Jennylyn sa interview niya that time.

At ang egg na ‘yun ay baby boy.

Bigla ngang nabuntis si Jennylyn na nalaman niya habang nasa taping ng Love.Die.Repeat,” pag-alala ng actress kung paano niya nakumpirma ang pagbubuntis noon.

Two-year old na sa kasalukuyan ang daughter nilang si Dylan.

Pero wala pa raw silang plano na sundan sa kasalukuyan si Dylan.

Sabi pa ni Jennylyn kahapon, ini-enjoy niya ang pagiging nanay sa tatlong anak - si Dylan at dalawang boys nila ni Dennis sa naunang relasyon.

 

 

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with