^

PSN Showbiz

Ate Vi, sinagot ang pagbalik sa pulitika at pagkandidato nina Luis at Ryan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, sinagot ang pagbalik sa pulitika at pagkandidato nina Luis at Ryan!
Ryan Christian Recto, Vilma Santos, at Luis Manzano

Nagbabakasyon pa sa Amerika ang Star for All Season Ms. Vilma Santos. Kaya inabala ko siya roon ng ilang katanungan lalo na sa kanyang political plans.

Ngayon pa lang kasi ay ramdam mo na kung sino ang bumubuwelo nang tumakbo sa eleksyon next year.

Sa October na ang filing of candidacy at maaring may mga pagbabago ngayon sa mga rule sa pangangampanya. Kaya ang ibang artistang tatakbo ay medyo binabawasan na ang exposure sa mga programang sinasalihan nila.

Isa sa pinag-uusapang babalik sa public service ay si Ate Vi na ang dinig namin ay tatakbo itong Governor ng Batangas.

Posibleng makakalaban niya si Mark Leviste na sa huling pakikipagpanayam namin sa kanya, sinabi nitong ini-endorse na sa kanya ng kasalukuyang Governor Dodo Mandanas ang nasabing posisyon.

Wala pa namang sinasabi si Ate Vi tungkol sa political plans niya, pero matunog ang usapan na babalikan niya ang pagsisilbi sa Batangas.

Kaya lang hindi lang daw siya, kundi pati na rin ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Hindi malinaw kung magkakasabay silang mag-iina, o kung sino ang mauuna sa kanilang tumakbo.

Nangangamoy pulitika na rin kasi si Luis na sinasabi niyang bukas siya sa posibilidad na pasukin ang pulitika. Lalo na si Ryan Christian na lagi nang nakikita sa Batangas at malapit naman talaga siya sa mga tao.

Totoo kayang si Luis ay tatakbong Vice Governor, at sa Congress naman daw ang tatakbuhan ni Ryan Christian?

Sinubukan ko lang i-text si Ate Vi, at ang nakakatuwa sa kanya, nag-effort siyang sagutin ito kahit madaling araw na sa US..

Pinagbigyan niya akong sagutin ang mga ipinadala kong tanong sa kanya.

Tungkol sa kanyang political plans, ang sagot ni Ate Vi; “Alam mo, 24 years ang ibinigay kong sinserong serbisyo ko sa mga Batangenyo. Kasi sila rin ang nagbigay sa akin ng sinserong tiwala para maging isang leader—first woman Mayor, first woman Governor, and then ang kauna-unahang Congresswoman din ng 6th district ng Batangas, Lipa City…sobra-sobra.

“Kung ngayon ay nahihilingan naman nila uli na tumakbo na maging nanay ng lalawigan ng Batangas, ito’y ipinagdarasal ko, sa totoo lang. Kasi, siyempre ang pagsisilbi, hindi ganun kadali ‘yan. Naranasan ko na yan. Talagang dapat ibigay ang puso’t kaluluwa, at talino, pagdating sa pagseserbisyo sa tao. Ahhh…dapat maibalik ang tiwalang ibibigay sa ‘yo.

“Ngayon, I’m praying for it, nahihilingan ako...so, I’m praying for it.  Pag ibinigay naman ni Lord ang sign, like what happened before, I will do it. Pag hindi naman niya binigay, mahirap sumusugal na hindi ka nakahanda.

“So, pinag-uusapan pa rin yan. Tutal ang filing ay sa October pa,” saad ng actress/politician.

Pagdating kina Luis at Ryan Christian, lumaki na raw sila sa pulitika, at bahagi na rin ito ng mundo nila.

Sabi pa ni Ate Vi, nasa Panginoon na raw kung ipag-adya na papasukin din nila ang public service.

Aniya; “Lumaki naman ang dalawang anak ko na 24 years…lumaki na sila…lumaki naman si Ryan na isa na rin akong public servant. Alam nila yung trabaho ko lalo na with Ralph also. Alam nila ang trabaho namin bilang isang public servant, at sa gobyerno.

“Ngayong naging Secretary (Department of Finance) si Ralph, maraming mga bagay na hindi kayang puntahan ni Ralph, so nagiging representative niya yung dalawa kong anak, si Lucky at si Ryan.

“Naging open sila sa proyekto at mga programa sa Batangas. At nakikita nila ngayon ang totoong buhay ng mga tao.

“Siguro susuportahan ko sila, dahil nakikita ko ngayon na handa na ang puso nila. Iyun ang importante kasi e. Ang serbisyo napapag-aralan e. Pero ang puso, iyun ang pinaka-importante para ibigay mo ang serbisyo sa mga tao na magbibigay sa ito ng tiwala, iyun ang importante. Sa ngayon sa totoo lang, nakikita ko ‘yun kay Lucky at Ryan. But again, lahat yan nasa kamay na ng Panginoon. Pag ginusto Niya, nandito kami para sumunod at magsilbi. Siya rin naman ang masusunod.”

vuukle comment

ACTOR

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with