^

PSN Showbiz

Michael, na-trap, na-anxiety mga bagong housemate ni Kuya, binaha

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Michael, na-trap, na-anxiety mga bagong housemate ni Kuya, binaha
Michael de Mesa

Massive ang sinalanta at winasak ng bagyong Carina.

Ang mga underpass, nag-mistulang dagat kung saan nagtatalunan ang mga bata para mag-swimming.

At grabe ang basurang iniwan nito. Hindi basta basura, ang daming putik, sa maraming lugar sa Metro Manila.

Kasama rin sa mga na-stranded ang veteran actor na si Michael de Mesa na dumanas ng anxiety dahil sa tagal sa loob ng kotse.

Aniya sa unang post : “Packed up at 2:30pm and have been stranded here for 5 hours. The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier. It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today.”

Hanggang inabot na siya ng 17 hours at gustung-gusto na raw niyang umuwi.

“Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home.”

Kaya ang daming nag-aalala para sa kanya tulad nina Iza Calzado at Cherry Pie Picache.

Pero bandang hapon kahapon ay nakuha na ang sasakyan niya. “Finally being towed after more than 22 hours of being stuck. Maraming salamat, NJP Towing! A heartfelt thanks to everyone who reached out, sent assistance, and shared their heartfelt messages. I deeply appreciate your kindness and support. My thoughts and prayers are with those in more difficult situations. Stay safe, everyone. ”

Kaya talagang malaking blessing kung nasa loob ka lang ng bahay noong Miyerkules.

Anyway, binaha rin ang sikat na bahay ni kuya.

Kakapakilala pa lang sa bagong batch ng housemates na handang ipamalas ang kanilang sarili para tanghaling susunod na Big Winner sa bagong season ng long-running ABS-CBN reality competition na Pinoy Big Brother Gen 11, hindi sila pinalampas ng bagyo.

 Ang mga napili ay mula sa 35,906 na nag-audition sa mga on-ground at online search nito, 15 ang natira para makapasok sa PBB house.

PBB Housemates

 Noong isang linggo, inanunsyo sa StarHunt: The Audition Show ang unang lima na pumasok na sa bahay ni Kuya.

Kasama sa mga unang hinirang ay ang “Determined Daughter ng Camarines Sur” Therese Villamor, ang “Astig Volleybae ng Pampanga” Dylan Yturralde, ang “Maabilidancing Dong ng South Cotabato” Binsoy Namoca, ang “Singing Gwapa ng Cebu” Kai Montinola, at ang “Charming Crooner ng London” Jarren Garcia.

Sa premiere naman ng PBB Gen 11 nitong Sabado (Hulyo 20) ipinakilala ang natitirang hopefuls na sina “Sporty-Go-Lucky Kuya ng Camarines Norte” Marc Nanninga Jr., “Cheerfu-Langga ng Cebu” Rain Celmar, “Lola-loving Apo ng Occidental Mindoro” Kanata Tapia, “Ma-cute-lit na Raketera ng General Santos” Kolette Madelo, at ang “Poginsyanong Pilo-ToBe ng Quezon” JM Ibarra.

Sumunod naman sina “Optimistic Ate ng Dumaguete” Jas Dudley-Scales, “Mombitious Chikadora ng Lithuania” Noime Steikunas, “Seamanluluto ng Bacolod” Brx Ruiz, pati ang 2-in-1 housemates nitong sina “Charismatic Partner ng Taguig” Dingdong Bahan at ang “Go-Getter Partner ng Manila” Patrick Ramirez.

Sa loob ng 100 araw, mapapasabak ang housemates sa mga bagong task  na susubok sa kanilang karakter, katatagan, at pakikisama sa isa’t isa. Pero sa kanilang pagpasok, isang hamon agad ang sumambulat sa kanila matapos anunsyuhin ni Kuya na house guests pa lamang sila at 11 lang ang pwedeng hiranging official housemates.

Samahan ang hosts nitong sina by Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzalez na alamin ang mga kaganapan sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Gen 11 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

 Mapapanood din ito tuwing Sabado, 8:30 PM, at Linggo, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

vuukle comment

ACTOR

MICHAEL DE MESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with