^

PSN Showbiz

Heart, may pasilip sa pangrampa sa gala

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Heart, may pasilip sa pangrampa sa gala
Heart Evangelista

May pinost si Heart Evangelista na pasilip sa isang tila ginagawang gown at kasama sa kanyang ipinasilip ang white roses na parang gawa rin sa tela. Sabi ni Heart, “A fairytale in the making @giambattistavalli #couture.”

Ang feeling ng followers ni Heart sa Instagram, parang ito ang isusuot niya sa GMA Gala 2024. Kaya kapag gawa ni Giam Battista Valli ang gown  niya sa nasabing event sa July 20, at least may idea na ang kanyang fans na laging sinusundan ang bawat isuot niya.

Samantala, nagsimula nang kumilos ang Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) at namahagi na sila ng tulong sa mga abandoned elderly individuals and Persons with Disability (PWD) and orphans from the USI Villa Marilac Home for the Elderly and the Missionaries of the Poor sa Naga City.

Hindi nakasama si Heart sa pagbisita at si Mart Tulfo ang nag-represent sa kanya at pinasalamatan siya ni Heart. Pinasalamatan din ni niya ang napakaraming sponsors na ang iba ay endorsements niya at ang iba ay gusto talagang tumulong.

Very proud siyempre si Sen. Chiz Escudero kay Heart at ang sabi, “Wow! Thanks babe! Congrats!” na sinagot ni Heart ng “@escuderochiz thank you for believing in me.”

Puntod ni Rico Yan biglang dinadagsa ng mga feeling content creator

May nakikita kaming mga larawan ng young fans na dumadalaw sa puntod ni Rico Yan sa Manila Memorial Park at nagpapakuha ng litrato sa harap ng puntod. May napanood din kaming TikTok video ng isang fan na ginawang content ang pagbisita sa puntod ng late actor.

Tila may choreography pa ang fan habang hinihimas-himas ang puntod na comment tuloy ng netizens, sana pinunasan na lang nito ang puntod at hindi lang hinimas-himas.

Ang sabi, ang ibang fans ay galing pa sa Tarlac, Quezon, Pampanga at iba pang parte ng bansa. Sinasadya nila ang late actor para magpa-picture at i-post sa social media ang photos at TikTok and for content daw ‘yun.

Nagulat ang netizens na biglang obsessed kay Rico ang grupo ng fans na dahil mga bata pa, ang iba sa kanila, hindi pa yata ipinapanganak nang maging artista  at sumikat si Rico at ang love team nila ni Claudine Barretto. Siguradong nadiskubre nila si Rico sa TikTok at hindi nakakagulat malaman kung pinanood nila ang old movies nito at nagre-research online tungkol sa namatay na aktor.

Gustong malaman ng netizens ang reaction ni Claudine sa obsession ng fans kay Rico. Ang iba kasi ay tinatawag ang sarili nilang New Generation RYCB Fans o Rico Yan at Claudine Barretto.

Dinirek ni Xian, may premiere sa Bangkok

Magkakaroon pala ng premiere night sa Thailand ang Kuman Thong, ang pelikulang dinerehe ni Xian Lim at sinulat at collab nila ng girlfriend na si Iris Lee.

Ito ang ibinalita ni Iris at sagot na rin siguro sa isyu na hindi sila nagdeklarang magsu-shooting sila sa Thailand.

Nagpasalamat si Iris sa Red Films Com ng Thailand na isang broadcasting and media company at sa Thai Film Board for helping them.

“It was a smooth, professional, and crazy-fun working experience from pre-production to wrap.

“Our humble yet ambitious project would not have been possible without your meticulous assistance with the research, shoot permits, script  approvals, casting auditions and our daily grind in sweltering hot Ayutthaya and Bangkok. We’re excited to see you guys again at the Thailand premiere.”

Na-share naman ni Xian ang four-day pre-production preparation sa shooting nila at detalyado ang kanyang pagkakasulat. Pero, ayaw pa ring maniwala ang haters ni Xian at mas pinaniniwalaan ang gusto nilang paniwalaan.

vuukle comment

ACTRESS

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with