^

PSN Showbiz

Keisha Paulo, buong pusong umiibig

Pilipino Star Ngayon
Keisha Paulo, buong pusong umiibig
Keisha Paulo

May kwento tungkol sa true love ang dating Tawag ng Tanghalan contestant na si Keisha Paulo sa kanyang bagong handog na awitin na  Akin.

Katulong niyang sumulat ng kanta ang kanyang fiancé na si Jershon Corpuz at sa pagmamahalan nilang dalawa sila humugot ng inspirasyon para dito.

“We were very inspired to write this. It really speaks about true love that everyone deserves. Sobrang uso na kasi sa atin yung mga hugot, heartbreak. What if true love naman? What if ito naman ang pairalin natin ngayon, yung totoong pagmamahal,” kwento niya sa kanyang pagbisita sa iWant ASAP noong  Linggo (Hulyo 7).

Sinundan ng Akin ang debut single ni Keisha na Hanggang Ngayon Na Lang na magiging bahagi ng upcoming album niya na nakatakdang ilunsad ngayong taon sa ilalim ng Star Music.

Unang nakilala si Keisha nang maging isa sa quarter finalists ng Tawag ng Tanghalan season 6. Pinahanga niya rin ang mga hurado sa kanyang performance ng OPM classics tulad ng Ikaw Ang Aking Mahal, Himig ng Pag-ibig, at  Anak.

Pakinggan ang bagong awitin ni Keisha na available na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with