^

PSN Showbiz

Pandak na aktres, wagi ang kamalditahan

Pilipino Star Ngayon

May drama ang isang medyo kinulang sa height na young actress. Kapag nakaeksena ang isang medyo mas may height sa kanyang aktres na nakasama niya sa series, iisipin mong kinakaya-kaya ng mataas na aktres ang mas maliit sa kanyang aktres.

Pinapalabas pa ng maliit na aktres na siya ang inaapi ng mataas na aktres. Pero hindi pala totoo ‘yon!

Kasi nga, sa kuwento ng isang staff ng production, mas mataray ang maliit na aktres kumapara sa mataas na aktres, huh!

Palibhasa nagbibida na ang mataas na aktres kaya ingat siya sa image niya. Mukha kasi siyang mataray pero sa true lang, hindi!

Hindi na lang nagsasalita ang mataas na aktres kapag sinisimangutan siya ng maliit na aktres at madalas eh iniirapan at ginagawan pa ng imbentong kuwento!

Nagsama na kasi ang dalawa sa isang series. Nagpaawa ang maliit na aktres sa inimbentong kuwento na tinarayan siya ng mataas na akters at tinotoo ang eksenang sampalan nila!

Kaya naman ayaw nang makasama sa series ng mataas na aktres ang maliit sa kanyang aktres dahil baka gawan na naman siya nito ng imbentong kuwento!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with