^

PSN Showbiz

Ice at Liza, binahagi ang kanilang kaluluwa sa choosing...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ice at Liza, binahagi ang kanilang kaluluwa sa choosing...
Liza Diño at Ice Seguerra

Ang ganda ng review ng Choosing (Not A Straight Play).

Bahagi pa ring ng LGBT Pride Month ang Choosing (Not A Straight Play) mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7, 2024, sa Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit, Makati.

Ang original play na ito, na nilikha ng powerhouse  LGBTQIA+ couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño at idinirehe ng kilalang si Dr. Anton Juan.

Makabuluhan ang kuwento ng Choosing tungkol sa pagmamahalang hindi base sa kasarian ng mga tao kundi sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

Isinulat ni Liza Diño, na may karagdagang monologues mula kay Ice, ang play ay hinango mula sa kanilang mga personal na karanasan at koleksyon ng mga kuwento ng LGBTQIA+ sa loob ng maraming taon.

Nag-aalok din ito ng kapana-panabik na kuwento na nagbubura ng linya sa pagitan ng katotohanan at kathang-isip.

“We’re not just telling a story; we’re sharing a part of our souls with the audience. It’s about the raw, sometimes painful journey to find not just love, but ‘yung acceptance and happiness lalo na sa society na ginagalawan natin,” ani Liza Diño, writer at co-star ng play.

“My hope is that this play will break barriers to understanding the individual experience of people from the LGBTQIA+ community. Through these stories and shared experiences, we’ll realize that we have more commonalities than differences,” dagdag ni Ice habang shine-share ang misyon ng play para i-promote ang inclusivity.

“Kaya rin namin siguro piniling gawin ito sa Powermac Spotlight para mas maraming tao ang mkapanood and even the tickets, nasa 1000 pesos lang at most expensive na ay 1500 para mas maging accessible sa lahat.

“Ang ‘Choosing’ ay hindi lamang tungkol kina Ice at Liza; ito ay tungkol sa pagtanggap sa mga hindi nakikita at hindi naririnig na mga kuwento sa LGBTQIA+ community at paghahanap ng espasyo upang tuklasin ang mga pakikibaka na kanilang kinakaharap sa lipunan at ang mga komplikasyon ng karanasang ito,” saad naman ni Dr. Anton Juan.  Para sa karagdagang impormasyon at upang bumili ng mga tiket, mangyaring bisitahin ang  Ticket2Me. Ang presyo ng tiket ay nagsisimula sa P1,000 para sa Silver, P1,300 para sa Gold, at P1,500 para sa Platinum.

ICE SEGUERRA

SINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with