^

PSN Showbiz

Barbie, napapagod sa rom-com

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, napapagod sa rom-com
Barbie Forteza

Nakararamdam ng pressure si Barbie Forteza dahil sa bago nilang proyekto ni David Licauco. Magbibida ang tambalang BarDa sa pelikulang That Kind of Love na mapapanood na simula July 10 sa mga sinehan. “’Yung pressure is to maintain ‘yung love team. ‘Yung lakas ng love team kasi simula pa lang. Unexpected ‘yung love team namin. ‘Yung pressure is coming from kung paano naman siya imi-maintain at sana masulit namin ‘yung partnership at huwag mawala ‘yung friendship namin, ‘yung pagiging consistent ng love team. It helps rin na parehas kami ng management. We are both under Sparkle kaya naga-guide kami nang maayos as a love team,” nakangiting pahayag ni Barbie.

Malaki umano ang pagkakaiba ng ginagawang trabaho ng aktres sa te­lebisyon kumpara sa pelikula. “Sa film kasi afford naming mag-shoot ng fewer scenes pero maraming anggulo. We do it multiple times na dapat same ‘yung energy at level of emotions. So, challenging if mahaba ang dialogue at marami times mo siyang kailangang ulitin. In movie acting, I learned na liitan ang acting. Kasi this will be shown in the big screen. Konting galaw mo kitang-kita agad. So dapat subtle lang ‘yung approach. Nakakapagod rin pala kahit rom-com. Kasi ang hirap na same level of kilig. Dapat walang maiba. ‘Yung consistency ‘yung paulit-ulit na emotion,” paliwanag ng dalaga. 

Samantala, may ilang nagsasabi na malaki raw ang pagkakapareho nina Barbie at Kathryn Bernardo. Ngayon ay mayroong mga nagkukumpara sa Kapuso actress at Kathryn. “Aaminin ko, isa si Kathryn na nilu-look up to ko sa showbiz. Kasi she really handles her personal life and career really well. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit paano parehas. It’s an honor for me. Sana magkatrabaho kaming dalawa. Isa siya sa mga gusto kong makatrabaho at ina-admire kong actors of our generation,” pagtatapat ng aktres.

Maris at Anthony, may pasabog 

Unang sumikat ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love bilang sina Snoop at Irene. Tinangkilik ng mga tagangaha ang tambalang SnoRene sa naturang seryeng nagtapos noong Mayo. Ngayon ay magbibida naman sa isang pelikula ang tambalang MaThon nina Maris at Anthony. “Excited kami sa gagawin together, basta. As in it is something pasabog talaga, abangan n’yo po. Grabe din preparations namin. Workshops kami, excited kami doon. I can say minahal kami ng mga tao bilang SnoRene. Feel ko mamahalin pa kami ng mga tao sa bagong characters namin kasi nakakatawa,” nakangiting pahayag ni Maris sa ABS-CBN News.

Si Jason Paul Laxamana ang magiging direktor nina Maris at Anthony sa bagong pelikula. Ibang-iba umano ang matutunghayan ng mga tagahanga sa MaThon sa gagawing proyekto. “It is something exciting, different talaga, different from SnoRene,” giit ng aktres.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala si Maris na pumatok sa mga mano­nood ang kanilang tambalan ni Anthony. “Thankful, kami parehas nagugulat sa mga dumadating. Kahit ako di makapaniwala sa blessings. More than pressured, excited. Focused on project and focused sa trabaho. Magawa mo nang maayos at masaya. If gano’n energy mo mag-reflect naman iyon,” pagtatapos ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with