^

PSN Showbiz

Sen. Robin, emosyonal sa dementia ng nanay

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sen. Robin, emosyonal sa dementia ng nanay
Eva at pamilya
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang madamdaming post sa Facebook account ni Sen. Robin Padilla patungkol sa kondisyon ng mom niyang si Mrs. Eva Cariño-Padilla ang nabasa ng followers ng senador. Ramdam ang helplessness ng senador sa kalagayan ng ina.

“Bismillah“ Mula noon hanggang ngayon. Ang aming Ina ay ang aming sandigan. Sa kanyang karamdaman ngayon na dementia nagiging mabilis ang kanyang panghihina. Katunayan kaming lahat na kanyang pamilya ay nabigla rin dahil sa loob lamang ng 3 taon ay malayong malayo ang kalagayan niya nong sya ay nag 86 yrs old bday party.

“Napaka kulang ng ating kaalaman sa sakit na dementia pati na rin sa usapin ng Alternatibong medisina na gamot  dito. Wala pong sakit na nakamamatay ang aming mahal na ina kundi paglaho ng kanyang kamulatan at kaisipan na siyang susi para magkaroon ng normal pamumuhay.”

Sa mga pino-post na photos nito, laging may kasama ang ina sa kanyang kuwarto at laging kinakausap. Pinasalamatan niya ang kapatid niyang si Rommel Padilla dahil kahit daw busy, inaalagaan pa rin ang kanilang ina.

Naalala namin, sa soft launching ng theme park na J Castles na co-owner si Daniel Padilla, isinama nila si Mommy Eva pagpunta ng Tanauan, Batangas. Kung wala sigurong dementia ang ina nina Robin, matutuwa ito na halos kumpleto ang kanyang mga anak at mga apo.

Samantala, naba-bash siya dahil sa naging pahayag na dismayado siya sa kanyang buhay-pulitiko. Nasabi lang naman nito na mahirap pala ang buhay ng isang pulitiko at laging kulang sa tulog, kung anu-ano na ang pamba-bash sa kanya.

Sorry na lang, pero hindi niya iiwan ang kanyang puwesto at trabaho at tatapusin nito ang kanyang term bilang senador.

Dennis, sinukuan ng mga nega

Pinuri ng netizens si Dennis Padilla dahil kahit may tampo kay Julia Barretto dahil hindi ito nakikipagkita sa kanya at hindi sumasagot sa kanyang mga post, tumutulong pa rin sa promo ng movie nina Julia at Joshua Garcia.

Pinost niya sa Instagram ang poster ng movie ng JoshLia na Un/Happy For You at may caption pa siyang “Yes... Aug. 14 na po... pls watch guyzzzz... Solid Julia Joshua tandem.”

Pinasalamatan siya ng JoshLia fans at nakakapanibago na walang nega sa post na ito ni Dennis. Wish ng fans, sana raw laging ganto, walang nega para masaya lang.

Wish din ng fans na sana, maayos na ang problema niya sa kanyang mga anak para nagkikita-kita sila at nagkakausap.

Gabby, wala sa mga plano ni Sharon!

Malabo ba ang request ng ilang ShaGab fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa ABS-CBN na sana, mag-collab ang ABS-CBN at GMA Network para sa teleserye na pagsasamahan nila.

Papayag kaya ang dalawa na magsama sa isang teleserye na matagalan ang trabaho at matagal silang magkakasama? Iyong concert nga nila, hindi natuloy ang repeat dahil nagkaroon ng problema eh, ilang araw lang silang magkasama.

Kaya may ganitong request ang fans dahil muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN si Sharon, kaya lang, ang gagawin niyang teleserye ay si Julia Montes ang makakasama. Wala siguro sa plano ng ABS-CBN na pagsamahin sina Sharon at Gabby sa isang teleserye.

Ang natatandaan namin, ang daming nabanggit na project si Sharon na naka-line up sa kanya at kung sa pagpirma niya sa ABS-CBN magsisimula ang muli niyang pagiging active.

Sunud-sunod nga ang pagko-congratulate sa kanya at inaabangan na ang gagawin niyang tele­serye.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with