Aktor, napatili nung biruing magkakaanak na

Napatili raw ang isang nagbibida nang aktor sa TV at movies nang sabihin ng aktres na maging syota na niya.

Lalaking tingnan ang aktor. Pero kapag wala sa harap ng kamera at kaibigan ang kasama eh lumalabas ang pagiging acla!

Kahit kulang sa ganda si aktres, talented naman kaya walang nabalitang syota niya sa showbiz, huh! Pero later on eh nagkaroon ng non-showbiz BF and eventually, naging nanay na.

Eh nung manganak nga si aktres, biniro si aktor na baka siya ang ama ng bata. Tumili nang tumili to the max si aktor na tila sumusuka pa, huh!

Visible pa rin ang aktor at mayaman na pero tagung-tago pa rin sa hindi nakaaalam ang gender niya!

EB, naka-one year na sa TV5

One year na ang Eat Bulaga sa TV 5 kahapon. Matapos ang labanan, napagtagumpayan ng Tito, Vic and Joey ang title ng kanilang sinimulang show.

Tumiklop na rin sa TV ang Ang Tahanang Pinakamasaya na produced ng TAPE na inilabas sa GMA bilang kapalit ng Bulaga.

Ang It’s Showtime na ang kalaban ng Eat Bulaga na napapanood na sa tatlong stations, huh – GMA, GNTV at AllTV.

Happy anniversary on TV5 Eat Bulaga na ngayong July rin ang anibersaryo bilang longest running noontime show!

Show comments