Bong, ilegal na ginagamit sa pagbebenta ng juice

Paano ka magtitiwala sa isang produkto na iinumin mo kung ilegal silang gumagamit ng picture ng celebrity?

Hindi talaga dapat magtiwala sa mga produkto na ginagamit ang mga artista nang wala silang go signal dahil umpisa pa lang may pandaraya na.

Paano ka magtitiwala sa isang produkto na iinumin mo kung ilegal silang gumagamit ng picture ng celebrity?

Na sasabihin mo na ito ang iniinom ng isang artista na nakalagay sa packagingpero ilegal mo namang ginagamit. Pandaraya iyon at panloloko ang ganun.

Mabuti na nga lang mabait si Bong Revilla at hindi sila idemanda.

Isang juice na ang ginawang selling factor ay   iniinom ni Bong Revilla ang walang takot na gumamit sa photo ni Bong sa packaging ng kanilang pro­duct.

Hindi ko gustong takutin ang gumawa nito, pero alam kaya niya na may legal way para sa ginawa nilang kapalpakan.

At naniniwala ako na low standard at baka magkasakit pa ang iinom ng juice na ito.

Nakakatakot na baka magkasakit ang iinom nito kaya sana huwag bilhin ng publiko dahil nakakatakot.

Tandaan ninyo, walang pahintulot si Bong Revilla sa gumamit ng photo niya para ibenta ang juice nila, kawawa naman ang bibili na baka magkasakit pa. Warning po.

Masama ang mandaya ng kapwa. Hindi bongga.

Ipapahamak pa nila si Bong. Paano kung hindi maganda sa katawan ‘yun.?

Hay naku.

Sana ay tigilan na ang ganitong panloloko sa mga namimili.

Importanteng dapat at totoo na ang lahat sa umpisa pa lang.

Buti na lang mabait na ako ngayon. Kung hindi pa baka sinugod ko sila sa Greenhills at sinita.

Kakaloka sila ha. Tantanan nila si Bong.

Show comments