Stell at Charice, mina-manifest na magsama sa concert!

Stell

Nagkatotoo ang sinabi ng nanay ni Charice Pempengco na si Raquel Pempengco na maba-bash siya dahil sa reaction niya sa version ni Stell Ajero ng All By Myself sa Hitman concert ni David Foster.

Marami ang nag-agree kay Raquel dahil iba raw talaga ang timbre ng boses ni Charice at nag-iisa lang siya at walang kapareho ang boses.

May fans ni Stell na nag-react, hindi raw maide-deny na magaling ito and he deserves the spotlight. Pero, hahayaan niya si Raquel sa kuwento niya.

May mga nag-comment naman na hindi dapat kinukumpara ang dalawa dahil magkaiba ang kanilang atake sa song at pareho silang magaling.

May mga namagitan din na ‘wag nang mag-away-away ang fans nina Stell at Charice at maganda nga raw kung magkakasama sila sa isang concert.

Speaking of Stell, sunud-sunod ang gig nito, nasa San Francisco, California ngayon dahil special guest siya sa MilEStone series of concerts ni Erik Santos. Tatagal hanggang June 30 ang series of concerts. Pagbalik niya ng bansa, ang two-night concert nila ni Julie Anne San Jose billed Ang Ating Tinig siya mapapanood.  Sa

New Frontier Theater ang concert sa July 27 and 28.

Joshua at Julia, binisita ni Leni

Sa Naga City ang 95 percent location ng movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na (Un) Happy For You at si Leni Robredo ang nagbalita nito. Naka-lunch pa nga raw niya ang cast nang bumisita siya sa shooting.

“Lunch with Julia in Naga. She invited me to visit the set after. Very pleasant surprise to know that a number of the members of the team volunteered during the campaign, including their director, Petersen Vargas.

“Ang saya sa set. Met Joshua, Kaila, Ketchup, Noni Buencamino (his  wife Sharmaine, is from Naga), and the rest of the artists and crew.

“95 % of (Un)Happy For You is being shot in Naga kaya dapat madalan kan mga taga Naga Magayonon ang istorya.”

Reunion movie ito nina Julia at Joshua at sa Aug. 14, 2024 na ang showing. Collab ito ng Viva Films at Star Cinema. Masaya ang fans nila na may reunion movie sila, pero may mga hindi rin natutuwa.

Marian, namudmod ng regalo

Namigay ng regalo si Marian Rivera sa co-stars niya sa last taping day ng My Guar­dian Alien kasama siyempre si Max Collins na gumaganap sa role ng kontrabidang si Venus.

Sa interview kay Max sa 24 Oras, nakuwento na nakatanggap siya ng regalo at letter from Marian.

Kuwento niya kay Aubrey Carampel, “Ang sweet talaga ni Marian, she said na she’s happy na mas nakilala niya ako. She said na, ‘Don’t worry magkikita pa tayo’ and you know I love working with her. She’s so nice, so sweet, and nabuo talaga ‘yung family namin sa My Guar­dian Alien kasi everyone is so chill, walang diva sa amin.”

Nabanggit din ni Max na mami-miss niya ang karakter niyang si Venus na bukod sa first kontrabida role niya ay kontrabida with a heart daw. Sa mga napapanood na episodes, less taray na ang karakter niya at bumabait na sa mga kasama.

May pa-spoiler si Max sa magiging ending ng My Guardian Alien sa June 28. “The finale will be a tearjerker with a unique twist.”

Show comments