Bea, ayaw okrayin ang ginawang pang-iiwan ni Dominic

Bea Alonzo.
STAR/ File

Ay si Dominic Roque pala ang nakipaghiwalay kay Bea Alonzo.

Ito nga ang rebelasyon ng actress sa interview ni Nelson Canlas ng 24 Oras.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Bea sa breakup nila ng ex-fiance. “Hindi ako ang nakipag-break,” aniya sa interview.

Pero hindi siya nagbigay ng detalye ng mga pangyayari at kung anong pakiramdam ng isang tao na halos perpekto ang buhay pero hiniwalayan ng lalaking handa niyang pakasalan.

Bagama’t sinabi niya ok naman sila ng businessman actor. “Huwag na nating pag-usapan ‘yon. Let’s leave it the past. It’s amicable. Okay naman kami.

“I think it would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it. It’s a very sensitive topic at gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” paglalahad niya.

Pero aniya naapektuhan siya ng mga maling balita.

“Du’n ako pinaka… siguro, naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life and when you’re going through something really difficult in your life and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it and very different from the truth, sobrang sakit niya.

“Kasi, yes, it affects you because it’s one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak, but it’s another thing to be going through it in front of the public nang iba ‘yung narrative,’” pahayag pa ni Bea.

Last February nila inamin na break na nga sila habang sabik ang lahat sa kanilang inanunsyong pagpapakasal.

Tho baka blessing in disguise rin ang naganap dahil sa totoo lang maraming may ayaw kay Dominic para kay Bea.

Show comments