^

PSN Showbiz

FAMAS, may fundraising sa LAMESA?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

So naganap na ang FAMAS Awards noong isang gabi. Congratulations sa mga nagsipagwagi. Usap-usapan ang fundraising effort na pagbebenta ng dinner table, totoo ba?

May bearing ba ito sa mga nagwagi?

At marami talagang special awards din… so ibig sabihin, marami ring occupied tables na may bayad!

So winner nga in all aspect. Prestigious pa ba?

Itanong natin sa past winner na si Vince Tañada!

Social Media users, nakipag-unahan sa pamilya ni Direk carlo!

Ngayon ang simula ng opisyal na burol ng veteran writer, director, film producer, iconic komiks artist Carlo J. Caparas na pumanaw noong May 24. Siya 80 years old.

Alam na natin ang balitang ito noong Friday pa lang pero hinintay nating magbigay ng pahayag muna ang pamilya ukol dito.

Bakit kaya nakikipag-unahan ang ibang mga tao sa social media at news outlets sa ganitong mga balitang namatay?

Bakit hindi kaya nila hintayin ang kaanak na magbigay ng official statement bago maglabas ng balita.

Unahan pa rin ba ang labanan dito?

Para sa mga gustong dumamay, maaaring pumunta ngayon 12 p.m. to 12 mn, sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium, Villar Sipag, C5 Extension Road, Brgy. Manuyo Dos, Las Pinas. Chapel name is Conservatorio II.

Sarah, wala pang napipiling gagawing pelikula

Nang ipinangako ng Viva na gagawa siya ng pelikula ngayong 2024, ang unang inisip ng mga tao ay horror na ito bilang pantapat kay Vice Ganda.

Pero nang makausap natin ang taga-Viva, bakit kaya wala pang napipili si Sarah Geronimo sa mga film project na pini-pitch sa kanya?

Ang maganda lang, naka-commit na ang Viva sa mga sinehan at sa publiko na gagawa nga si Sarah ng movie ngayong taong ito.

Ano na kaya ito? New Project Alert soon?

Jam at Janno, hirap na sa pagkanta?!

nakakapagtaka ba kung mapagkamalan ng isang entertainment writer na si bituin escalante si isabella sa 45th anniversary concert ng music ni cecile Azarcon?

Pareho kasi sila ng styling at porma noong gabing ‘yun.  But it cannot be, dahil nasa kabilang Solaire North si Bituin sa Opening nito sa Quezon City.

Oh well, at least nasa tono si Isabella sa pag-guest niya sa concert ni Ma’am Cecile na talagang lumabas ang pagka-teacher at preacher sa Anniv concert niya.

Pero ano’ng nangyari kaya sa boses nina Jam Morales at Janno Gibbs na nag-struggle talaga sa mga kanta nila?

Direk Joey, ginulat sa demanda

Nakakaloka rin pala na matapos magkita sina Direk Joey Reyes at Liza Diño na magka-oyeoye as one big happy Filipino community in Cannes ay ayun, may demandahan na palang magaganap.  Magandang test case ito sa freedom ng speech at paghingi ng accountability sa public officials – at interesting ding malaman kung ano ang stand ng entertainment writers, ‘di ba?

Timing lang ‘yung filing ng kaso na may repeat concert at may play sina Ice Seguerra at Liza. Saan kaya hahantong ang kaso na bakit kaya nadawit pa sina Tirso Cruz III, Atty. Joji Alonso at Direk Joey Reyes kaya?

Nakakataquote :

“She is the Best Performer of our generation. Not because of us, the directors, the choreographers or even the entire production team. It’s because she is who she is.” – Paolo Valenciano on Sarah Geronimo

vuukle comment

FAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with