^

PSN Showbiz

Showbiz couple, may dragon baby na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Natunugan ng netizens ang showbiz couple na sinasabi nila noon sa interviews na gusto nilang magka-baby ngayong taong ito.

Natupad naman dahil nagdadalangtao na nga raw ang kilalang aktres, kaya tumigil muna sila sa pagbi­biyahe ng kanyang asawang kilala ring aktor.

Ayon sa aming reliable source, buntis na nga raw si aktres pero wala pa silang ipinost na announcement.

Ang tantiya ng aming source, parang 4 to 5 months na raw si aktres, kaya hindi pa gaanong halata ang tiyan.

Pero may mga nagko-comment na sa ilang post ni aktres na magpa-baby reveal na raw ito.

Meron ding ibang nagko-comment na tingin daw nila ay buntis na talaga ito.

Kaya hintayin na lang natin ang post ng mag-asawa na dininig ng Panginoon ang hiling nilang magka-baby ngayong taong ito.

‘Di ba gusto nilang umabot sa Year of the Dragon?

Beteranong direktor Carlo J. Caparas, namatay sa edad na 80

Naglabas na ng official statement ang anak ni direk Carlo J. Caparas na si Peach Caparas kaugnay sa pagpanaw ng kanyang ama noong Sabado ng gabi.

Idinaan niya ito sa tula na pinamagatang Sa Bawat Tipa Ng Makinilya, an ode to Direk Carlo J.

Mababasa ang tula na ‘yun sa Facebook account ni Peach at sa bandang huli ng tula ay nakasaad na roon ang Carlo J. Caparas, 1944-2024. Kaya pumanaw siya sa edad na 80, at ang mensahe pa nito, “Dad, you will forever be loved, cherished, and honored…by all of us.”

Biyernes ng tanghali pa nakarating sa amin ang balitang pumanaw na si direk Carlo J, na na-confine sa UST Hospital.

Ayon sa napagtanungan naming malapit sa direktor at manunulat, nagka-pneumonia raw ito at isinugod sa UST hospital noong Linggo. May anak daw siya roon na doktor.

Pero hindi niya ito nalagpasan at pumanaw na siya noong Biyernes, May 23.

Hindi raw kaagad in-announce ng mga anak dahil sobrang devastated daw sila.

Nung Sabado ay inayos ang burol ni direk Carlo sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium sa Las Piñas.

Ngayong araw ng Lunes pa nila bubuksan ang burol sa mga gustong makiramay.

Si Sen. Bong Revilla ang isa sa unang nakaalam sa balita, pero hindi rin niya ito mai-post sa kanyang social media account dahil wala pang official announcement mula sa pamilya.

Pero sobrang close raw siya kay direk Carlo at paminsan-minsan ay nag-uusap sila sa telepono.

Sabi nga niya sa kanyang FB post, “Mula sa aking launching movie na Dugong Buhay hanggang sa Panday, kinilala ko ang lahat ng iyong paggabay Direk. Hindi ako magiging isang Bong Revilla kung wala ka.”

Sabi naman ni Cong. Lani Mercado nang nakapanayam namin sa awarding sa kanya ng Rotary Club of Aseana Manila; “Yung movie na pinagtambalan namin ni Sen. Bong Revilla, Sa Dibdib ng Sierra Madre, was directed and written by direk Carlo J. Caparas.

‘Yung Dugong Buhay  na launching ni Bong with his Dad sa Viva Films was a Carlo J project, written and directed by Carlo J. Caparas…

“Constantly tumatawag si Sen. Bong kay direk Carlo for advice, lalo na nung… he would sent messages to direk Carlo and gets advice for what project he should do. Kasi sabik nun siya makabalik sa pelikula after his incarceration sa Camp Crame di ba? So tumatawag siya kay direk Carlo.

“Parang mentor niya, kasi first movie niya si direk Carlo na e. Kinikilala ko ang mga likha ni direk Carlo mula sa mga komiks na ginawa niya, sa mga script. ‘Yung series na ginagawa nila with Philippine Charity Sweepstakes before with Donna Villa, ano siya e..malikhain siya.”

Kaya ang mungkahi ni Cong. Lani na sana ay bigyan ng pagkilala si direk Carlo J. Caparas sa mga naiambag nito sa industriya ng aliwan.

vuukle comment

CARLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with