^

PSN Showbiz

Vice, kinontra ang Barbie!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vice, kinontra ang Barbie!
Vice Ganda

Pumalag ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa programa tungkol sa epekto ng nakikita ng kabataan sa pagtrato ng karamihan sa LGBTQ+ community.

Natatakot daw lalo ang mga bata ayon sa karelasyon ni Ion Perez na umamin dahil sa nakikita kung paano tratuhin sa lipunan ang mga miyembro ng LGBT.

Ibinahagi rin ng host na marami siyang napapanood at nakikitang vi­deos online kung saan ipinapakita ang maling pagtrato sa kanila. Kagaya na lamang daw ng isang video ng isang grupo ng mga criminology student sa isang training acti­vity na tinatanong ng kanilang lider o prof kung sila ba ay “Barbie” na sinasagot nila na hindi.

Maririnig din sa video ang mga tawanan ng mga ito.

Napakwestyon daw siya nang mapanood niya ito kung ano ba ang problema sa pagiging Barbie.

Tinanong niya kung ang isang Barbie ba ay negatibo o mali. Kung kamuhi-muhi ba ito? Na kung mapatunayan man daw nilang Barbie sila ay may mangyayaring masama. Tila hindi raw ito isang tanong kundi parang threat.

Dahil sa mga ganoong videos ay mas lalo raw marami ang natatakot umamin at magpakatotoo.

Paano nga raw naman kung gustong umamin ng mga estudyanteng ito?

Nalulungkot siya na hanggang ngayon ay meron pa ring mga ganoong klaseng tao.

Pero ang video raw ay burado na dahil nakatanggap ito ng batikos mula sa netizens na isang senyales na unti-unti nang nagiging open ang mga ito.

Sinang-ayunan naman ito ng actress at host na si Kim Chiu na dapat open na tayo ngayon sa ganoon dahil self-expression daw iyon ng bawat isa.

‘Mag-ingat sa kinakain...’

Hindi ako maka-get over sa pagkamatay ng manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez. Hindi ko ma-comprehend ‘yung cause of death na nasabi sa akin.

Isang aral nga siguro na mag-ingat sa pagkain ng mga bagay na binibigay sa atin, o ‘yung ‘pag natikman natin na iba ang lasa huwag na nating ituloy ang pagkain.

Grabe talaga dahil hindi mo minsang aakalain iyang complications sa mga bagay na kinain natin.

Aral ito sa isang matakaw na tulad ko kaya nga pangako ko ingat na ako sa mga food na kinakain ko. Ako pa naman kahit ano ay kinakain ko.

Naku medyo kinabahan ako talaga dahil sabi sa cake na kinain nag-start ang naging problema ni Leo. Very innocent food pa naman ang cake.

Now number 1 suspect na siya sa food poisoning. Grabe.

vuukle comment

ACTRESS

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with