^

PSN Showbiz

Yasmien, umapela sa pagkawala ng kanyang gender reveal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, umapela sa pagkawala ng kanyang gender reveal!
Sabik niyang ibinahagi noong isang gabi ang kanyang gender reveal sa second baby nila ng mister na si Rey Soldevilla pero nagulat siya nang makalipas lamang ng ilang oras ay burado na ito sa kanyang Facebook at Instagram.
STAR/File

Naimbyerna ang aktres na si Yasmien Kurdi sa pagkawala ng kanyang gender reveal video na kaka-upload lamang niya sa social media.

Sabik niyang ibinahagi noong isang gabi ang kanyang gender reveal sa second baby nila ng mister na si Rey Soldevilla pero nagulat siya nang makalipas lamang ng ilang oras ay burado na ito sa kanyang Facebook at Instagram.

Nag-post siya ng isang screenshot kung saan nakatanggap siya ng notification na meron daw siya diumanong nilabag sa Community Standards ng social media.

Tinanggal daw ito dahil sa bullying at harassment na pinagtakhan naman ng Kapuso actress.

Ayon nga sa nanay ni Ayesha ay lagi raw silang nare-report sa kanilang wholesome contents pero hindi niya maintindihan ang dahilan kung bakit naging offensive ang ganoong bagay ngayon pero ang mga kalaswaan gaya ng paghuhubad at pagmumura ay tanggap na tanggap pa.

Kaya naman sa inis niya ay sinabihan niya ang netizens na i-report ang mga malalaswang contents at huwag ang mga wholesome gaya ng kanilang video.

Nag-iwan din siya ng mensahe sa netizens na “Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”

Naibalik naman na raw ng Facebook ang kanyang video pero tila burado na raw ito sa Instagram.

Sayang nga naman ang kanyang video kung saan sabik siyang ipakita sa kanyang mga tagahanga ang kanyang gender reveal kung saan nakumpirma na baby girl ang kanilang baby no. 2.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with