^

PSN Showbiz

Vice at Anne,may malaking ganap

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice at Anne,may malaking ganap
Vice Ganda at Anne Curtis.
STAR/ File

Bukas na gaganapin ang pinakaaabangang Bida Kapamilya event sa Pampanga. Excited na sina Vice Ganda at Anne Curtis dahil magpapasikat ang It’s Showtime family sa naturang event ng Kapamilya network. “I guess this is a way for us to say thank you. Maraming, maraming salamat sa ating mga solid Showtimers who have stuck by us through thick and thin. This is our way of saying thank you by coming to them,” nakangiting pahayag ni Anne.

Labis ang pananabik na nararamdaman ni Vice dahil muling makakahalubilo ang mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang programa. “Since nag-pandemic hindi na namin nagagawa ‘yan. So it feels good na mayroon kaming chance ngayon na makita sila in person, ‘di ba? Isang mala­king ganap and makapagpasalamat din nang personal sa napakalalang suporta at pagmamahal na binibigay ng kababayan natin. Masarap din sa damdamin na magagawa namin ‘yon sa kanila kahit sa isang araw lang,” paglalahad ni Vice.

Bukod sa It’s Showtime family ay magpapasaya rin sa naturang event ng ABS-CBN ang High Street cast na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Tommy Alejandrino, Ralph de Leon, Harvey Bautista, Miggy Jimenez at Elijah Canlas.

Heaven, may kakaibang ipinakita

Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang Men Are From QC, Women Are From Alabang na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo. Si Gino Santos ang direktor ng naturang proyekto mula sa Sari-Sari, Viva Films, Studio Viva, Epik Studios at MQuest Ventures. Malaki ang pasasalamat ni Heaven kay direk Gino dahil talagang napalabas umano nito ang kanyang kakayahan sa pag-arte. “We’re so happy na si direk Gino ‘yung direktor namin. Kasi hindi lalabas ‘yung galing namin ni Marco kung hindi dahil sa kanya. Noong pinanood namin ‘yung film, it was so beautiful and we’re just so proud of this film,” pagbabahagi ni Heaven.

Maraming proyekto na ang pinagtambalan ng dalaga at ni Marco. Ayon sa aktor ay talagang kakaiba ang kanilang ipinakita ni Heaven sa bagong pelikula. “It’s something they haven’t seen before. It’s a real story that I think a lot of people will relate to,” giit ni Marco.

Sinisiguro naman ni direk Gino na makare-relate ang mga manonood sa kanilang pelikula dahil malapit ito sa katotohanan. “Many will relate to this. I mean, if you work 9 to 5, stuck in traffic, not sure if you want to fall in love or focus on your career, this is the movie for you,” pahayag ng direktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with