^

PSN Showbiz

Star cinema at IdeaFirst, inanunsyo ang comeback movie ni Vice

Pilipino Star Ngayon
Star cinema at IdeaFirst, inanunsyo ang comeback movie ni Vice
Vice Ganda
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbabalik-pelikula si Vice Ganda sa And The Breadwinner Is na ikinasaya ng mga fans.

Excited at masaya si Vice sa unang kolaborasyon ng Star Cinema at The IdeaFirst Company. Ito rin ang kauna-unahang pagsasa­nib-pwersa ni Vice at award-winning direktor na si Jun Robles Lana.

“First time naming magsasama and ang saya saya ko talaga. Highlight ito ng career ko hindi lang this year, pero ng movie career ko. Isa ito sa pinakamalalaking highlights,” aniya.

Lubos ang kasiyahan ni Jun na makatrabaho si Vice at ipinapangako niya na magkahalong saya, drama, at makapagdamdaming eksena ang mararanasan ng manonood.

“It is everything na inaantay ng mga tao sa isang pelikula ni Vice, ‘yung nakakatawa at riot na comedy and so much more. Kung nakita natin si Vice magpatawa, makikita rin natin siya mangurot ng mga puso,” sabi niya.

Pangarap ni Vice na makagawa ng isang makabuluhang pelikulang pang-international at tatatak sa mga manonood at naniniwala siyang maisasakatuparan ito sa proyekto nila ni Jun.

“Nagkaroon na ako ng fair share sa box office kahit paano. Gusto ko magkaroon sa filmography ko ‘yung inilaban sa international film festival. Dream ko ‘to. I have been praying for a movie na may internal value. ‘Di ba meron din mga pelikula na hindi tumabo sa takilya pero has an internal value sa Philippine cinema at sa kamalayan ng mga taong nakapanood sa kanya. Dumarating ang panahon na binabalikan siya dahil sa uri ng pelikula niya. I want to experience that now,” pagbabahagi niya.

Bago pa inanunsyo ang bagong pelikula, nagpasalamat muna si Vice sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya kaya naman nakuha niya ang titulong Highest-Grossing Filipino Movie Actor of all time na may 4.6 billion total gross.

Nang tanungin si Vice kung sino ang makakasama niya sa pelikula, sinabi niyang magiging parte ng cast ang co-host niya sa It’ s Showtime na si Jhong Hilario.

Tawag ng Tanghalan at Idol PH winners, sanib-pwersa para sa kauna-unahang concert of the champions

Magsasama-sama ang mga kampeon ng Tawag Ng Tanghalan at Idol Philippines para sa isang pasabog na gabi ng pagtatanghal sa kauna-unahang concert of the champions na New Gen Champs sa Abril 27 (Sabado), 8 p.m., sa Music Museum.

Tinguriang New Gen Champs” sina JM Yosures, Reiven Umali, Khimo, JM dela Cerna,  Marielle Montellano, Lyka Estrella, at Rea Gen Villareal na lahat ay naging kampeon ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime at Idol Philippines.

Makakasama rin nila sa entablado ang mga Kapamilya singer na sina Erik Santos at Katrina Velarde, na naging bahagi rin ng mga reality talent show ng ABS-CBN na Star In A Million at X Factor Philippines.

Samantala, huwag din palampasin ang performance mula sa grupong WRIVE na binubuo ng dating Top 16 members ng pinaka-unang survival reality show ng bansa na Dream Maker.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with