^

PSN Showbiz

Yasmien, susubukang manganak nang normal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, susubukang manganak nang normal
Yasmien Kurdi

Ipinost na ni Yasmien Kurdi ang reels na kung saan ay na-reveal doon ang gender ng kanyang baby.

Nag-bake siya ng cake at nang na-slice nila ay pink ang nasa loob, kaya girl ang kanyang ipinagbubuntis.

Full term na ang baby sa sinapupunan ni Yasmien at anytime ay manganganak na siya.

“Waiting na lang po… mag-try po kasi ako mag-normal delivery (praying emoji) So, tomorrow ko po malalaman kung qualified ako,” text sa akin ni Yasmien nung kumustahin ko nung Lunes ng gabi.

Caesarean pala ang una niyang panganganak at itong sa pangalawa niya ay gusto sana niyang maging normal delivery. Wala pa naman daw siyang nararamdaman, pero pinaghahandaan na raw niya na anytime ay ipapasok na siya ng hospital. May naisip na rin pala si Yasmien na pa­ngalan ng baby ngayong nakumpirma nang baby girl ito pero saka na raw niya i-share sa atin.

Eat Bulaga, kampante na sa kanilang rating

Expected na ng mga taga-Eat Bulaga na tatalunin sila sa ratings ng It’s Showtime nung nakaraang Sabado.

Sinelebreyt ng Eat Bulaga ang kaarawan ni Vic Sotto, at kumpleto ang buong pamilya na nakibahagi sa naturang selebrasyon.                 

Ang It’s Showtime naman grand finals ng kanilang Tawag ng Tanghalan Kids.

Nakikitang kalmante na sila. Kumportable nang nasa GMA 7 kaya mas malawak ang kanilang televiewers at consistent nang mataas ang kanilang ratings, ganundin naman ang Eat Bulaga na meron nang sariling market.

Sabi ng ilang taga-TV5 na nakatsikahan namin, kampante na ang TVJ sa kanilang katayuan kahit madalas silang natatalo sa ratings ng It’s Showtime.

Mommy nina patrick at cheska, biglaan ang pagpanaw

Nakakabigla ang balitang pagpanaw ng ina nina Patrick at Cheska Garcia na si Mommy Bing Velasco.

The last time na nakita pa namin at sandaling nakatsikahan noong nag-special screening ang pelikulang A Journey sa Seda Vertis North noong April 11.

Tuwang-tuwa pa siya at proud sa pagbabalik-acting ni Patrick.

Ipinost na sa Facebook ang official announcement tungkol sa pagpanaw ni Mommy Bing, pero biglang binawi naman nila ang post na ‘yun.

Meron pa raw kasi silang inaayos.

Nakalagak sa Arlington Memorial Chapels ang cremated remains ni Mommy Bing, at in-announce nilang bukas ito sa mga gustong makikiramay mula April 23 hanggang 26 ng alas-tres ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi.

Nakikiramay po kami kina Patrick at Cheska at sa buong pamilyang naiwan ni Maria Celeste Dahlia ‘Bing’ Velasco, na mas nakaugaliang tawagin sa showbiz na si Mommy Bing.

vuukle comment

ACTRESS

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with