^

PSN Showbiz

Showtime at ASAP, eere rin sa ALLTV?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Sama All!

So naganap na nga ang contract signing ng ABS-CBN at ALLTV kahapon and all eyes are on the Jeepney TV programming.

Anu-ano kayang classic ABS-CBN program titles ang ipapalabas sa ALLTV? Pati ba It’s Showtime at ASAP na kinekeri ng Jeepney TV ay kasama rin?

At ang main na aabangan ay ang TV Patrol sa ALLTV. Since in attendance sa contract signing sina Manny, Mark, at Camille Villar na napakara­ming tarps na paramdam ngayon sa Kamaynilaan, si­yempre magandang isipin na hindi sila makikialam sa content ng newscast, pero

‘di ba, talaga ba?

Paulo, rumaket sa elevator!

Showing today ang Elevator na pinagbibidahan nina Paulo Avelino and Kylie Verzosa – Elevator Boy For A Day by Paulo Avelino.

What if pagsakay mo ng elevator, si Paulo Avelino ang bumungad sa’yo – up or down?

Bababa ka pa ba?

‘Yan ang naging gimik na promo ng pelikula sa SM Megamall.

Sana talaga ay maengganyo ang shoppers na manood ng pelikulang ito, at hindi na lang ma-stuck sa elevator with Paulo.

Rein, pinagsabong ang sariling pelikula

Kasabay na palabas ang isa ring Rein Entertainment movie na G!LU film na written and directed by their partner Philip King. Nataon lang ba o talagang pinagsabay nilang ipalabas ang dalawa nilang pelikula na magbabanggaan sa takilya ngayon?

Oh well, sana hindi tayo magtanong ng – nasaan ang tao?

Donbelle, susubukan ang lakas sa takilya?!

Nag-last taping day na noong isang araw ang cast ng Can’t Buy Me Love starring Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Maganda naman ang nagawa ng teleseryeng ito sa loveteam ng dalawa at nagkaroon sila ng major endorsements; ang tanong, after this ba, kaya na nilang magbida ulit sa pelikula at magiging successful kaya sa pa­ying audience o pang-TV talaga ang DonBelle tandem?

Nakakata-quote:

“Dapat mag-jogging sa init ngayon ang mga gustong ibalik ang ROTC.” – Chuck Gutierrez, award-winning film producer and editor

vuukle comment

ABS-CBN

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with