^

PSN Showbiz

Mga namemeke sa audition, talamak

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Grabe pala talaga at palasak ang mga namemeke at nananamantala sa auditions para mag-isyu ng babala ang magkabilang networks para sa general public para hindi magoyo ng mga scammer na ito.

Bakit kasi may nagmi-middle person pa ng ganito? Meron bang feeling malakas sa mga insider at boss na winawagayway ang kanilang mga koneksyon?

Ano ang puwedeng gawin ng mga network sa mga ganito? I-publish ang mga pangalan ng mga namemekeng mga caster-agents?

Warning din talaga ito sa mga gustong mag-artista na humahanap ng shortcuts.

Mas mainam na lang talagang paghirapan ang lahat at dumaan sa tamang proseso, ano?

Regine Rocks, iniba ang repertoire

Mamaya na ang Regine Rocks The Repeat sa MOA Arena at totoo bang halos kalahati sa repertoire nito ay binago at hindi lang ito basta repeat ng concert ng Songbird late last year?

May special participation ba ang personal trainer ni Regine sa repeat edition ng concert niyang super successful? Sana!

Joross, magaan katrabaho

Pasok na pasok na si Joross Gamboa sa Barangay Singko today! Totoo bang tuwang-tuwa ang lahat sa set dahil ang gaan lang katrabaho ni Joross at swak ang pagco-comedy nila ng bago niyang ka-tandem na si Jerald Napoles?

Dahil daily show ito, paano ang taping kapag natuloy na ang sequel ng inaabangang Hello Love Goodbye? Magagawan naman daw ito ng paraan, ‘di ba Direk Perci?

Kasal nina Angelica sa Siargao,dadaluhan ng kanyang mga kaibigan

Totoo nga yatang all roads lead to Siargao ngayon!

Papunta na ang mga bisitang artista sa repeat wedding ng isang couple. Base sa mga post, ang mga nasa Siargao na early this week pa ay sina Angelica Panganiban at ang mister nitong si Gregg Homan. Nandu’n din si Glaiza de Castro pati na si Direk Andoy Ranay.

Sino kaya ang ikakasal muli this weekend?

Alam na yarn.

Abangan!

New movie alert ni Vice, may NDA

Naka NDA (Non Disclosure Agreement) daw ang mga taga-Star Cinema at The Idea First Company tungkol sa magiging New Movie Alert announcement nila ngayon.

Pero ang tanong at hinala ng marami – ito na kaya ang Vice Ganda-Jun Lana project na matagal nang gusto ni Vice at Jun na mangyari?

If ever level up na ito ng Vice Ganda movie na pang-Metro Manila Film Festival Golden Anniversary?

Aabangan at susuportahan natin ang mga ganitong special efforts ‘di ba?

Nakakata-quote:

“I hope someone gives me his unconditional love.”– Kim Chiu

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with