^

PSN Showbiz

Dating reporter ng ABS-CBN Mike Navallo, uupong spokesperson ng Supreme Court

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Dating reporter ng ABS-CBN Mike Navallo, uupong spokesperson ng Supreme Court
Mike Navallo
STAR/File

ABS-CBN’s loss is the Supreme Court’s gain! Totoo na ngang magiging Head ng SC Communications Office by August 1 si Mike Navallo na isa talagang lawyer din.

Hindi na bago ang mga taga-ABS CBN na nagiging Spokesperson ng either government at private institutions after nilang manilbihan bilang encore and reporter.

Ngayon sino kaya ang mas magaling - si Mike Navallo o si Midas Marquez na dati ring paborito ng media? Abangan!

Willie, binisita na ang studio sa TV5

Totoo bang nagpunta na sa set ng TV5 studio sa Novaliches si Willie Revillame para tingnan ang kundisyon nito sakaling totoo ngang matuloy ang show niya?

Balitang either pre or post prog ng Eat Bulaga ang magiging show nito kung hindi before the primetime news.

Kung lahat ng tatakbo sa eleksyon ay nagfi-file ng candidacy forms nila by the last quarter of this year, paano ang magiging show ni Willie, aalis din bigla kapag Campaign Season na?

Iba pa rin talaga ang may visibility sa mainstream media kahit papaano.

Movie nila Janella, naka-slide lang sa sinehan

Sa kanyang regular showing, bakit naka slide ang schedule ng screening ng pelikulang Under Parallel Skies ni Direk Sigrid Andrea Bernardo starring Janella Salvador and Thai actor Metawin Opas-iamkajorn?

Tanggap ba nila na hindi ito kikita on his own at wala itong wide following para magsolo sa isang butas sa sinehan?

Nakakalungkot naman.

Jericho, mas gusto ng mommy ni Kathryn

Bilib na bilib ang mga nakatrabaho ni Jericho Rosales sa isang endorsement at kaya pa raw niyang makipanabayan sa mga batang celeb at singer sa isang bagong endorsement.

Puwede rin kaya silang magsama ni Kathryn Bernardo sa isang commercial?

At totoo bang tuloy pa rin ang kanyang panliligaw dahil nakikita sila sa kanilang mga condo paminsan-minsan.

Pero totoo rin ba na mas pabor si Mommy Mhin kay Alden Richards instead of Echo?

O baka friends lang din sila naman, ‘di ba at hindi naman totoong nanliligaw?

Darren, natalo sa kaso kay JK Labajo

Kailangan talagang magpaingay ni Darren Espanto para sa kanyang nalalapit na Araneta Coliseum concert? At kailangang idawit ang mga pangalan nina Cassy Legaspi, Kyline Alcantara at Jayda Avanzado sa kanyang kuwento?

Hindi ba puwedeng pag-usapan siya na walang babaeng nadadawit?

Kung may bubuhayin siyang issue, bakit hindi ‘yung update sa kinaso niya kay Juan Karlos o JK Labajo?

Totoo bang natalo siya sa kasong iyun? Sana ma-explain niya nang maayos ito - at kung pati sila ni JK ay magkaibigan na rin muli?

Talaga ba?

Nakakata-Quote:

“Please pick me as your daughter-in-law.” - Ryzza Mae Dizon to Aga Muhlach

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with