^

PSN Showbiz

Relasyon nina John at Mercedes, bistado na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Relasyon nina John at Mercedes, bistado na!
Mercedes Cabra at John Estrada

Pinagpiyestahan ng netizens ang eskandalong komprontasyon nina Marites (Cherry Pie Picache) at Lena (Mercedes Cabral) sa FPJ’s Batang Quiapo, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Nakakuha ang episode (Abril 23) ng 436,663 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Pagkatapos ng sunud-sunod na paghihinala, sa wakas ay nakumpirma ni Marites ang pambababae ng asawang si Rigor (John Estrada) pagkatapos niyang mahuli ito na nakikipaghalikan sa kabit nitong si Lena.

Nanggagalaiti sa galit at wasak ang puso, sinugod at sinabunutan ni Marites si Lena habang ipinagsigawan sa mga kapitbahay ang sikretong relasyon ng dalawa. Walang kaabug-abog naman si Lena at sinugod din si Marites habang ipinagmamalaki niya ang pagiging kabit. 

Samantala, unti-unting nagiging malapit sa isa’t isa sina Tanggol (Coco Martin) at Bubbles (Ivana Alawi) at nangako silang hindi na sila gagawa ng mga krimen.

Mapapanood ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapa­milya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with