^

PSN Showbiz

Kapuso actress na itatambal kay Gerald, dini-demand na may asawa

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kapuso actress na itatambal kay Gerald, dini-demand na may asawa
Gerald Anderson
STAR/File

MANILA, Philippines — Natawa kami sa comment na kung matutuloy si Gerald Anderson sa panibagong collab series ng ABS-CBN at GMA Network, dapat daw may asawa at may mga anak na ang Kapuso aktres na makakasama sa cast.

Sabi ng netizen, kilala si Gerald na kapag may bagong nakakapareha, laging may kasunod na isyu na nagkakagustuhan sila. Kaya raw laging may mga comment na “Matakot ka Julia” na ang tinutukoy ay ang girlfriend na si Julia Barretto.

In fairness, mula nang nagkarelasyon sina Gerald at Julia, ma-link man si Gerald sa nakapareha, puro tsika lang at tuksuhan. Gusto lang pakabahin si Julia na unbothered din naman sa mga nali-link sa boyfriend.

Kabilang si Kylie Padilla sa binanggit ng fans na sina-suggest nilang  makapareha ni Gerald dahil nagkapareha na sila sa pelikula at wala silang naging isyu. Nabasa rin namin ang mga pangalan nina Barbie Forteza, Gabbi Garcia at Carla Abellana. Iwasan daw ni Gerald na makasama ang isang sexy Kapuso actress dahil tiyak daw na pagseselosan ni Julia.

Fans ni Angel, nabubulabog sa kanyang pagbalik

Nag-trending si Angel Locsin dahil sa balitang babalik si Angel Locsin sa GMA Network. Nabulabog ang fans at non-fans nito at bale ba, nagkataon na nai-report dito sa Pilipino Star

Ngayon  na malapit na nga siyang bumalik sa showbiz.

Later on the day, kinumpirma na hindi totoong lilipat o babalik sa GMA si Angel at kung magkaka-project daw ito sa Kapuso Network, baka collab ng ABS-CBN at GMA. Hindi raw talaga totally babalik siya sa GMA.

Ang gustong malaman ng fans ay kung sino ang nagpasimuno ng balitang babalik sa GMA si Angel. May mga Kapamilya fan na gusto ang balitang ito, kahit saang network daw, basta muli nilang mapanood si Angel. Kaya lang, karamihan ay ayaw nilang umalis sa ABS-CBN si Angel dahil gusto nilang manatili siyang Kapamilya.

May mga nagsabi namang si Anne Curtis ang bina-blind item na babalik sa Kapuso Network dahil sa clue na “Diyosa” dahil si Anne lang ang tinatawag na Diyosa sa showbis at hindi si Angel.

Ang sinasabi na project ay ang Philippine adaptation ng K-drama na It’s Okay Not To Be Okay na pagbibidahan ni Anne at Joshua Garcia at Carlo Aquino. In fact, ang kasunod na teaser na blind item ding lumabas, parang si Joshua ang tinutukoy na babalik sa Kapuso. Babalik si Joshua dahil lumabas na siya sa GMA sa first collab series ng ABS-CBN at GMA Network na Unbreak My Heart.

Donny, biglang inili-link kay Kathryn

Napag-usapan ngayon ang diumano’y panliligaw ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo na naudlot noon.

Actually, matagal nang pinag-usapan ng fans ni Kathryn ang panliligaw ni Donny sa aktres. Naging dahilan ito para mag-away ang DonBelle fans nina Donny at Belle

Mariano at solid fans ni Kathryn.

Pinagbintangan pa nga ng DonBelle fans ang fans ni Kathryn na inerereto nila ang aktres sa alam nilang may girlfriend na. Pero, kung nanligaw nga si Donny kay Kathryn, ibig sabihin, hindi niya GF si Belle Mariano.

Dine-dare ngayon ng fans ni Kathryn si Donny na i-deny ang panliligaw niya kay Kathryn at subukan din daw ng DonBelle fans na i-bash si Kathryn at handa sila sa bardagulan.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with