^

PSN Showbiz

Paolo, nakabawi sa pelikula

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, nakabawi sa pelikula
Paolo Contis

Medyo masaya na uli ang showbiz scenes.

Maganda ang reception ng tao sa pelikulang A Journey na napapanood sa isang streaming platform at talagang marami ang humanga sa pag-arte ni Paolo Contis.

Maganda rin ang pagiging busy uli ni Rhian Ramos at tala­gang magaganda ang mga bagong serye na pinag-uusapang gagawin para sa TV.

Siguro nga kahit pa sinasabi na medyo nabawasan na ang viewers, hindi pa rin maalis na sa rami ng household na merong TV sa kanilang bahay, imposible na walang manood sa free TV at imposible rin na mawala ang producers na gustong gumawa ng serye.

Dagdag pa na kahit uso ang streaming, hindi puwedeng walang maiwang nanonood sa kanya-kanyang bahay.

Kaya nga meron pa ring labanan ng rating, at paramihan ng commercials.

At saan mo ilalagay ang napakaraming new faces na gusto pa ring mag-artista. Kaya naman up to now, big business pa rin ang showbiz. Isa pa ring force na hindi mo puwedeng itumba kahit pa nga magkaroon ng financial crisis.

Kaya nga huwag magtaka na puno pa rin ang auditions sa mga gustong mag-artista. Hindi maitatanggi na hanggang ngayon ang Regal at Viva pa rin ang itinuturing na frontliner.

At bonggang-bongga ang GMA dahil nga parang meron na silang collab ng ABS-CBN.  Suwerte ng It’s Showtime na napunta sa GMA dahil nadoble ang lakas nila.

Sayang nga na hindi nagtuluy-tuloy ang noontime show nila Paolo Contis dahil maganda sana ang naging laban nila.

Well, matagal pa ang itatakbo ng mga pangyayari kaya marami pa rin tayong aabangang magaganap. Hintayin mo kung ano pa ang mga bagong pasabog na mangyayari. Bongga.

vuukle comment

ACTOR

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with