^

PSN Showbiz

Jake, kapuso na ulit!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Gaano katotoo ang balitang pinayagan si Jake Cuenca na gumawa ng teleserye sa GMA 7?

Katatapos lang gawin ni Jake ang What’s Wrong With Secretary Kim sa ABS-CBN with Kim Chiu and Paulo Avelino and now balitang pinayagan na nga siyang gumawa ng soap sa GMA 7 ulit. True ba?

Well, medyo hindi na rin bago ito dahil nakagawa na rin pala si Jake ng sitcom with Sue Ramirez sa TV5, kaya go lang nang go Jake!

Singer noong ‘70s, pumanaw

Pumanaw noong April 10 ang taga-Baguio na singer na nagsimula pa noong early ‘70s na si Tito Mina.

Siya ang nagpasikat ng mga kantang Got To Let You Know at Both In Love.

Ang pinagtatakhan pa rin ay kung bakit, at the height of his career ay umalis siya sa bansa nagpunta sa Europe, at nag-settle na sa Luxembourg?

Noong isang interview niya kay RJ Jacinto, naghahanap siya ng magre-rent ng condo unit niya near Shangri-La at dumalaw sa bansa para sa teachings ng isang German group on cosmic energies.

Sana, katulad ni Tito Mina, panahon na para makahanap at makapagpasikat ng artists na hindi lang taga-Maynila kundi mula sa probinsya, pero world class pa rin.

Isang tanong pa mula sa era na ‘yun, nasaan naman daw si Noel Milan na katimbre ng boses ng Barry Manilow?

Magandang mahanap at ma-feature ulit siya.

Joross, aayudahan si Jerald?!

Pasok si Joross Gamboa bilang ka-tandem ni Jerald Napoles sa daily sitcom-game show ng TV5 before their primetime newscast na Barangay Singko.

Ibig bang sabihin, mas ok na kabatuhan ng comedic lines ni Jerald si Joross more than Kayla Rivera?

Oh, at madadala ba ni Joross Gamboa ang kanyang lucky touch para mapataas pa ang rating ng naturang show na produced ng IdeaFirst Company rin?

Malalaman ‘yan simula April 19!

Unang hirit host Anjo, nahipuan din ni Whang Od

Tuluy-tuloy ang mga parokyano ng the last remaining Mambabatok of Buscalan, Kalinga Province  – Apo Whang Od at dinayo pa siya ng Unang Hirit host na si Anjo Pertierra.

Kumusta kaya ang experience ni Anjo? Or better yet, kumusta naman ang experience ni Whang Od?

Sino kaya ang favorite niya sa mga nasalat niya from Piolo Pascual to Allen Dizon to ngayon Anjo (na sana hindi na sasabihan na da hu)?

Teka pala, sina Ice Seguerra at Sheryn Regis ba nasalat din ni Apo Whang Od?

Nakakata-quote:

“Iba-iba talaga ang audience mo every time you come out so you have to constantly and truthfully give your best every time.” – Gary Valenciano on his Best Lesson Learned in Show business

vuukle comment

GMA

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with