^

PSN Showbiz

Rhian, magiging busy na ulit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian, magiging busy na ulit!
Rhian Ramos.
STAR/ File

Tapos na iyon sinusubay­bayan kong Koreanovela, ang Live Your Life, na bida si Ha Jung na naging favorite ko dahil sa role niya sa serye.

Alam n’yo ba ang na-discover ko sa channel na may mga Korean drama at musical shows? Kaloka na wala siyang mga commercial, o kahit anong ads, tuluy-tuloy ang mga palabas nila.

Walang istorbo kumbaga. Hahaha.

Iyon isang channel meron subtitle na English, iyon isa talagang Korean lang kaya hindi ko puwedeng panooran.

Meron din akong sinusubaybayan na local serye kaya tuloy din ang panunuod ko buong araw.

Napansin ko nga na mahusay na artista si Alden. At happy ako na mukhang magiging busy si Rhian Ramos.

At gandang-ganda ako kina Andrea Brillantes, Jane de Leon, at Belle Mariano. Gustung-gusto ko ang Family Feud ni Dingdong Dantes.

Talagang ngayon ko lang na enjoy ang TV watching ha. Kahit pa nga sabihin half of my life nasa showbiz ako.

Kaya nga, ang dami ko na palang stars na hindi kilala, iyong mga bagong discover palang.

In fairness mga pogi at beautiful iyon mga bago ha, na sana mabigyan talaga ng break at sumikat.

Sure na iyon mga discovery ng GMA na mabibigyan ng roles sa mga serye ng Channel 7 kaya ok na sila.

Iyon mga ibang hindi pa matatag ang kinalalagyan, iyon ang medyo nakakatakot kung may mararating.

Kailangan talaga na mag-doble tiyaga at huwag magmadali ang mga bagong stars.

Asahan lang nila na medyo mahihirapan sila sa ngayon. Pero basta may patience sila marami pa rin naman na talagang gumagawa ng magagandang projects.

Bongga.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with