^

PSN Showbiz

Lovi at mister, magpo-produce ng pelikula

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lovi at mister, magpo-produce ng pelikula
Lovi Poe
STAR/ File

Sa Pilipinas muna ulit maglalagi si Lovi Poe.

Matapos nga niyang gawin ang dalawang Hollywood films uumpisahan niya sa Regal Entertainment ang pelikulang Guilty Pleasure with JM de Guzman and Jameson Blake.

At nakaplanong dumating sa bansa ang mister niyang si Monty Blencowe next month para bisitahin siya at gawin ang isang pelikula na iko-co-produce ng kanilang production.

Pero ayaw muna niyang magbigay ng ibang details tungkol sa kanilang gagawing pelikula na kasama ang ilang local actors.

Basta raw sa kasalukuyan ay excited na siyang umpisahan ang Guilty Pleasure na kakaiba sa mga nagawa na niyang pelikula dahil gaganap siya ritong lawyer.

At meron daw siyang mga steamy scene pero hindi na niya kailangan ng approval ng mister na isang scientist at producer din.

“Alam naman niya, ‘yung line of work ko, there’s no need for approval; he respects my job, and then ‘yun, he’s very excited for me to do this project, kasi nga it’s been a while and we got to spend some time together during Christmas, so, sabi ko, it’s time to get back to work,” katwiran ng actress.

At dahil ibang pelikula ito, new look ang actress sa bago niyang hairstyle na binagayan siya. Mas bumagets siya.

Sa kasalukuyan ay adjusted na si Lovi sa setup nila ni Monty na back and forth travel sa US and Phiippines. Sa Amerika naka-base ang pinakasalan niya.

“Mahirap pero kung gugustuhin, magagawan naman ng paraan. I’m just very happy that I have the support of my husband who pushes me to do what I want,” aniya at wala raw siyang reklamo.

Sa Guilty Pleasure ay ginagampanan ni Lovi ang papel na lawyer sa ilalim ng direksyon ni Connie Macatuno.

Pero sa totoong buhay ba nagkaroon na siya ng demanda or nagkaroon na siya ng court appearance? “Wala, wala pa.”

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with