Mukhang hindi apektado ang Kapuso actor na si Alden Richards sa mga nang-iintriga sa kanila ni Kathryn Bernardo.
Tinutukso siya sa naging sweet moments nila ng ex ni Daniel Padilla sa birthday celebration nito.
“What you see is what you get,” ang naging sagot niya sa naging panunukso sa kanya.
Ikinuwento nga niya na invited siya sa birthday celebration nito at nag-enjoy siya sa naging experience roon at kita naman daw ang saya ngayon ng aktres.
Hindi naman daw naputol ang pagkakaibigan nila matapos nilang magtambal sa pelikulang Hello, Love, Goodbye kaya makikita pa rin ang closeness nilang dalawa ngayon.
Maaalalang nag-viral ang mga litrato at video nila kung saan niya sinorpresa ng bulaklak at mamahaling regalo si Kathryn at doon na nagsimulang mag-react ang netizens. May mga nega pero mas marami ang kinilig sa kanila ay bumuo pa ng kanilang loveteam na KathDen.
Sabi ni Alden ay hindi naman daw kasi lahat ay kailangang ipamalita sa social media. May mga personal na bagay na mas magandang panatilihing personal na lamang.
Pareho naman silang single ngayon kaya walang masama kung sakaling maging totohanan ang relasyon nila. Bongga.
‘Tuloy ang laban’
Siguro talagang iba na katawan ko ngayon. May days na parang makakita lang ako ng food gusto ko nang magsuka. May days naman parang matakaw ako na lahat yata gusto kong kainin.
Naloloka na ako sa pasaway kong katawan na hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto. May araw na talagang nakahiga lang ako buong araw. Meron namang all day nakatutok ako sa TV.
Feeling ko nga, talagang retired person na wala talagang ginagawa. Unsure naman ako sa pagrampa dahil bigla may feeling of weakness ako kahit ok naman ako nang umalis ng bahay. Bigla na lang makakaramdam ako ng hilo at tulad ng nangyari sa lunch namin noong nasa labas na ako nung biglang hindi ako nakapunta sa lunch dahil sinugod na ako sa ER ng FEU Hospital.
Kaya nga erratic ang condition ko, hindi mo alam ang timpla.
Naku basta I live by the day, ‘pag Ok, salamat. ‘Pag hindi Ok, pahinga muna. Hanggang buhay pa ituloy lang ang ginagawa, habang love pa ako ng mga alaga ko, trabaho lang.
Kesa naman buong araw nakatitig ako sa TV, medyo mental challenge rin ‘yung mga lunch meeting namin.
Relevant pa rin naman ang opinyon ko, nakakairita pa rin naman mga one liner na pang-aaway ko.
Life will go on for me. Tuloy ang laban, hah hah, bongga.