MANILA, Philippines — Hindi na naitago ng ilang showbiz personalities ang kanilang nararamdaman sa ipinatayong resort sa paanan ng Chocolate Hills, bagay na ikinatatakot ng ilang makapinsala sa unang UNESCO Global Geopark ng Pilipinas.
Nag-viral kasi ngayong linggo ang isang video ng The Captain’s Peak Garden and Resort, bagay na nabatikos nang netizens. Pansamantala itong ipinasa dahil sa patuloy na pag-ooperate kahit walang Environmental Compliance Certificate.
Related Stories
"At binabuy na ang Chocolate Hills," diretsahang reaksyon ng aktor at komedyanteng si Janno Gibbs sa kanyang Instagram nitong Miyerkules.
Una nang sinabi ng Department of Tourism na walang akreditasyon sa kanilang tanggapan ang naturang establisyamento, at wala ring pagtatangkang mag-apply para rito.
Bagama't Setyembre 2023 pa binabaan ng closure order, nakuha pa nitong i-host ang 2024 Bohol Provincial Meet Swimming Competition.
"Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country," banggit naman ng aktres at "It's Showtime" host na si Anne Curtis kahapon.
Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country ???? https://t.co/ITucIPrXll
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) March 13, 2024
Pati ang aktor na si Gardo Versosa, ikinadismaya ang naturang proyekto at napa-"talaga lang???" na lamang.