Mga x-deal daw ang pinagkakaabalahan?! Sarah, nawala na ang kasosyalan
Naghahanap ng interior designer si Sarah Lahbati.
Obviously nga ay umalis na siya sa bahay nila ni Richard Gutierrez.
High ceiling ang bahay at may swimming pool ang lilipatan nila kasama ang mga magulang.
At andun ang kanyang daddy sa isang photo.
“switching up the mood for 2024.
“ps: looking for an interior designer i can work with.
“thank you, asiantigersgroup for efficiently helping with moving,” post nito sa bare photo ng bahay.
Parang teleserye sa totoong buhay ang paghihiwalay nila ni Richard na dati ay hindi mo talaga akalaing ganyan ang kakahinatnan ng relasyon.
Iba’t iba na ang sinasabing diumano’y dahilan ng kanilang pagkakanya-kanya ng landas.
Pero ang isang napansin ng netizens, nawala na ang kasosyalan ni Sarah. Hindi na siya nagpo-post na suot ang mga branded stuff.
Unlike raw before na lahat mga luxury brand ang mga kagamitan nito.
Bongga raw kasing mag-shopping si Sarah.
- Latest