Paolo, pambabae na ang katawan!

Paolo Ballesteros

Saktung-sakto ang caption ni Ryan Agoncillo sa black and white photo ni Paolo Ballesteros sa kanyang Instagram page kahapon.

“Minimum effort, maximum impact,” sabi Ryan kay Paolo habang nasa dressing room na animo’y naked.

Boots lang ang makikitang suot nito habang nasa harap ng salamin at nagmi-make up.

Actually parang hindi si Paolo ang nasa picture. At parang naging kamukha siya ng namayapang aktres na si Cherie Gil.

Oo nga naman simple pero astig ang naging dating, very artistic.

Show comments