^

PSN Showbiz

Pelikula ni Juday mag-iikot muna sa abroad bago ang MMFF

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pelikula ni Juday mag-iikot muna sa abroad bago ang MMFF
Juday

Nalulunod marahil sa tuwa ang TV Drama Queen na si Judy Ann Santos dahil bukod sa bumabandera ng napakataas ang balik-serye niya sa ABS-CBN na Starla ay kasali pa rin siya sa taunang Pista ng Pelikula sa Kapaskuhan, sa Metro Manila Film Festival 2019.

Hindi basta-basta direktor ang kumuha ng kanyang serbisyo para sa isang pelikula na napili bilang isa sa walong entry na mapapanood. Siya si Brillante Mendoza, isang mahusay na direktor na kilala maging sa labas ng bansa. Madalas itong lumahok sa mga international filmfest. Pinakahuli ang Min­danao ni Juday na kasali na sa MMFF 2019 ay kalahok din sa Cairo International Film Festival na magaganap sa November 20-26.

Bago sa Egypt, naging tampok na ito sa Busan International Film Festival sa Korea, at sa Tokyo International Film Festival sa Japan. Baka bago mag-Pasko ay nakaikot na ito ng mundo.

Jaya gaganap na tomboy na may anak na bakla

Lahat ay nakakakilala kay Jaya bilang isang singer. Pagdating sa kantahan, walang tatawad sa kanyang kakayahan. Namana niya ito sa kanyang ina na nung kapanahunan nito ay tinanghal na reyna ng stage shows. Mapa-Clover Theater man o Opera House, SRO kapag naka-sked ang ina niyang si Elizabeth Ramsay. Hindi nakapagtataka na nung iuwi siya ng ina mula Amerika ay nagpasya rin siyang sundin ang yapak nito sa pagkanta. At tulad din ng kanyang ina who dabbled in acting napanood na ring umarte ni Jaya but, not as successful as her mom, siguro dahil komedyana si Elizabeth at si Jaya ay talagang sa pagkanta lamang.

Pero, sa isang episode ng Maa­la­ala Mo Kaya mamayang gabi isang mapaghamong role ang ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

Gagampanan niya ang role ng isang lesbyanang nanay ng isang binabaeng anak. Dahil dumanas ng matinding panlalait at pambabastos nung kabataan niya dahilan sa kanyang kasarian kung kaya ayaw sana niyang lumaking bakla ang anak na gina­gampanan ni Awra Briguela pero, gay ito!

Dito magsisimula ang gusot sa pagitan nilang mag-ina, ‘di lang simpleng bakla ang tingin ng role ni Awra sa sarili kundi isang tunay na babae  sa ayos, sa isip, sa salita at sa gawa. Nasa direksyon ni Theodore Boborol ang episode  na ginawan ng kuwento ni Dixson Comia at nagtatampok din kina Yayo Aguila at Karen Timbol. Simula na kaya ito ng paglinya ng Queen of Soul sa pagiging artista? 

Kasalang Sarah at Matteo aabangan!

Pista sa local showbiz ngayon dahil finally engaged na ang pinaka-elusive at mahirap na ligawang si Sarah Geronimo. Matapos ang limang taong pagi­ging mag-boyfie/girlfie, nakapag-propose rin sa kanya si Matteo Guidicelli. May suot siyang singsing na may kumikinang na bato bilang sagisag ng engagement nila.  Kasal naman ang aabangan sa kanila na wish ng followers nila ay hindi maging kasing tagal ng ginawang proposal ni Matteo.

JUDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with