Ryan sina Vice at James ang takbuhan pag nauubusan ng datung

Kung gugustuhin ng Korean actor na si Ryan Bang na sumikat sa Korea ay puwede naman dahil sa kasagsagan ng promotion niya ng Da One That Ghost Away (kung saan leading lady niya si Kim Chiu) ay tumanggap siya ng offer mula sa MBC para mag-host ng isang major show sa kanyang bansa pero tinanggihan niya ito dahil maari itong makaapekto sa kanyang pelikula. Wise decision ‘yun dahil pinipilahan ngayon sa box-office ang movie niya. This early mayroon na ring siyang bagong project na nakatakdang gawin sa Kapamilya network.

Masaya ang Korean actor to choose the Philippines as his place of work. Maliban sa affairs of his heart na sinasabing malas siya dahil wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon kahit pa aminado siyang marami na siyang pinopormahan, maganda ang takbo ng kanyang karera.

Aside from It’s Showtime where he is seen six times a week, mayroon din siyang morning series, ang Sana Dalawa ang Puso bilang sidekick ni Robin Padilla. Pinakamalaking bonus niya ang DOTGA.

Kabilang sa mga set of friends niya ay mga malalaking artista, tulad nina James Reid at itinuturing siyang anak-anakan ni Vice Ganda. In the past, napatunayan niyang pwede siyang tumakbo sa kanila kapag kailangan niya ng tulong pinansyal o kahit moral support lamang.

Kahit nagpabago ng hitsura, Arci lalaki pa rin ang turing ng mga katrabaho

Sumubok pa si Arci Muñoz na mas higitan pa ang orihinal na kagandahang taglay niya sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ‘yun pala wala rin itong magi­ging epekto sa maraming kasamahan niyang artistang lalaki. Dedma pa rin sila sa kanyang matambok na pisngi at pouting lips.

Inamin ni Arci na never siyang nagkaro’n ng nobyong artista. “They always consider me as one of the boys”, ang mabilis niyang sagot sa kawalan niya ng manliligaw na artista. Pero sa mga non-showbiz, never siyang na-zero.

Una nang nabalita rito ang nagbabandang ex ni Arci na mula sa angkan ng Ro­yal family sa Brunei. Ngayon ay may ilang panahon na rin sila ng kanyang Chinese businessman na anytime na yayain siyang magpakasal ay papayag siya. “Naipagpatayo ko na ng bahay ang family ko. At kahit may asawa ako, hindi ko naman sila pababayaan. Not that they’re dependent on me pero, maka-pamilya ako. Gusto kong maging maganda ang buhay nila,” paliwanag niya.

Samantala, nagpapamalas siya ng bonggang performance sa Since I Found You. Sa lima nilang bida sa serye (Piolo Pascual, JC de Vera, Alessandra de Rossi, Empoy Marwuez), sa role niya pinakanaaliw ang mga manonood. Gusto nila ‘yung parang walang effort na pagpapatawa niya.

Mas murang bigas inaapela

Meron na raw bigas na nagmumula sa Nueva Ecija at Vietnam. Di ko alam kung kasali dito ang bigas na binibili ko para sa mga aso ko na nagkakahalaga ng P35 kada kilo.

Pinakamura ito sa binibili ko sa isang palengke na aking pinupuntahan. Maitim ito at hindi siguro maaring kainin ng tao dahil kailangan ng maraming pag­huhugas para ito pumuti ng kaunti. At syempre, kapag todo hugas, nawawalan na ito ng sustansya. Talo ang tao! Sana naman ay may mas mura pang bigas na mabili. Hindi naman pwedeng magtinapay na lamang dahil napakamahal din ng tinapay.

Grab mas nagmahal nang mawala ang Uber

Sad ako dahil wala nang Uber. Malaking kamurahan ang singil nito kaysa sa Grab na bago pa nawala ang Uber ay mataas na talaga ang singil lalo pa ngayon na wala na silang kalaban. Sana lumabas na ang mga bagong sasakyan na sinasabi ng gobyerno na papasada na any­time now. But, meanwhile balik ang marami sa mga regular na taxi na sinasakyan nila bago pa dumating ang Grab at Uber. Mas mura ito, kung isasakay nila tayo, at marami pa rin ang mapagkakatiwalaang driver. Kunan n’yo ng picture kapag ayaw kayong isakay, ireklamo sila sa kinauukulan. Promise, mapaparusahan sila.

Show comments